Hindi po sya Birthmark

Mga Mommies Sino po may same case sa baby ko , hindi naman sya balat kasi kung balat sya nung pag labas palang nya nakita ko na yan. Ang iniisip ko baka po naipit sya sa garter ng panjama nya nung ilan weeks palng sya. E ngayon po 1month & 15days na sya ngayon lalong tumingkad kulay nya na red.

Hindi po sya Birthmark
22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hemangioma po yan sis .. nag umpisa sa simpleng tuldok hanggang sa lumalaki sya gang tumatagal . sabi naman nang pedia nia mawawala din yan 5-10years mawawala din po .. sa right chest kaya safe daw .kasi pag sa may malapit sa mata delikado maapektuhan ung nerve sa mata . buhay na nerves sa labas daw po ang paliwanag samin ... nakakaworry kaya pinacheck up ko agad .. may ointment na pede ipahid pero ndi rin daw magwowork kaya ndi na kmi niresitahan ..

Magbasa pa
Post reply image

infantile hemoglobia po yan ..gnyan din po sa bumbunan ni lo ko..nung pglabas nmin hospital maliit lang akala ko ngasgas lang xa nung nanganak ako..pero hbng tumtagal lumalki xa..pero sabi nawawala din daw yan in a few months

Ung kay baby, kakaron nya pa lang ng balat. Wala sya nun paglabas kaya akala ko pasa lang. Pero sabi ni doc, balat daw un na late lang nag manifest. So baka balat din po. Pero pa-consult nyo na rin po para sure. 😊

may ganyan ako nung bata ako sa singit tabi nang pisngi nang pempem ko . pero nawala po sya . mawawala din po siguro iyan .pag lumaki na sya . now parang color dark brown na Lang po . na kakulay nang balat ko .

taon daw po ang tawag dyan momshie. sabe ng mama ko meron ako nyan sa balikat dalawang anak ko sa daliri .. balat po yan☺️ pero nag fe.fade din po yan

meron ganyan baby ko po sa left knee pero napansin ko unti unti na po nawawala kasi dark red po sya nung una ngaun ng light na at lumiit. 4months old plng sya.

Hi mamsh hemangioma po yan. Buahy na balat in laymans term. Yung iba po naglilighten while sa iba nawawala sya bago mag4years old

me ganyan din po noon pamangkin ko.habang kumalaki nawawala naman po 7yrs old na po sya ngayon.

Ganyan din sa anak ko, sa may dibdib yung kanya. pero sabe naman ng pedia mawawala din daw.

my ganyan din baby ko momsh dalawa pa sa tyan nya at sa my tagiliran malapit sa pwet nya