Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob

Nung nanganak ako tumira kami sa apartment kasi wala pa kaming sariling bahay, malapit lang din sa mga in laws ko yung apartment. Ang reason kung bakit hindi kami nakitira sa bahay ng in laws ko ay dahil hindi pa naayos ang bahay nila at wala kaming sariling kwarto. Tumagal kami sa apartment ng 2months bago kami umuwi sa bahay ng parents ko, inisip ko mas makakabuti yon para ipunin nalang namin yung pambayad namin sa apartment. Ok naman kami dito sa bahay ng parents ko, problema ko lang yung tatay ko. Ok naman kami as in ok, nilulutuan pa nya kami ng ulam na may sabaw para may madede yung anak ko, yung mga request ko binibigay o ginagawa nya kahit makapal na mukha ko. Ang kinakatakot nya lang ay kung magkakasakit yung anak ko, kasi natrauma na sya sa mga kapatid ko dati na sakitin. Marinig lang nyang umiyak yung anak ko tatawagin na ako or tatanungin bat umiiyak. Lalo na pag gabi pag naiyak lang konti yung anak ko, magigising na agad sya. Nung 2months yung baby ko mabait sya, sa gabi hindi sya iyakin, pero ngayon 4months na sya nagbago na iyak na sya ng iyak konting bagay lang iiyak na sya. Hindi ko alam kung ano ang gusto. Wala naman syang sakit pero kung makaiyak parang napapaso. Ngayong gabi lang umiyak yung anak ko, nagwalk out sya at parang galit, ang narinig ko lang ay hindi na daw sya makakatulog sa ganitong sitwasyon. Nasaktan ako, syempre baby yan iiyak at iiyak yan, naiintindihan ko naman na dahil yun sa trauma nya pero sana naging maintindihin naman sya kasi apo nya yun e. Parang ayaw nya tuloy kami dito sa bahay. Kami lang ng anak ko ang nandito since nagwowork yung asawa ko. Iniisip ko balik nalang kaya kami doon pero saan na naman kami titira, alangan magrerent na naman kami. Kaya nga umuwi kami dito para makaipon kami. Tuwing ganito yung nangyayari iniiyak ko nalang kasi wala akong magawa. Nagtitiis nalang ako kahit gusto ko na din umalis dito kasi parang nakakaperwisyo pa kami sa tuwing umiiyak yung anak ko.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same Situation. Kami, dito sa Parents ko Nakatira pero pinagawan kami sariling Kwarto para makapag Desisyon kami ng kami lang. Maka Galaw kami ng Malaya. Gusto ng Parents ko na Dito kami. So, Ito na nga, Yung 1 Month pa lang Baby Boy ko, iyakin sya sa Madaling Araw. Lahat iniyakan tapos yung Lola ko, Sobra. Marinig nya lang Umiyak yung Baby ko, Akala na kung anong nangyayare. Kakatukin nya pa kami sa Kwarto tapos kung ano ano sasabihin nya na pa dede ko daw. Ganito, Ganyan. Eh Wala na nga kong ibang Ginawa kundi mag pa-Dede. Feeling nya, Di ko inaalagaan ng Maayos Baby ko. Feeling ko sa mga sinasabi nya, ang Tanga Tanga ko, Ang Bobo Bobo ko. Parang Ayaw nyang Umiiyak Baby ko. Eh ano magagawa ko?? Eh Natural lang sa Baby na Iyak sila ng Iyak. Umiyak lang Saglit para sakanya, Iyak na ng Iyak. Sa Mommy ko, Wala namang Problema. Hindi nya kami pinapakeelaman kasi Gusto nya na natututo kami na Kami lang pero yung Lola ko, Grabe. Yun, napuno na ko, napundi na ko. Nasagot ko na sya, nag away na kami ng Lola ko. Simula nun, Di nya na kami pinakeelaman. Pero Ok naman na kami ng Lola ko ngayon. 3 Months na Baby ko & Hindi na din sya ganun ka iyakin. Iiyak na lang pag Dede sya & mag Sleep na kasi Hirap sya mag Sleep then pag Ayaw nya magpa Baba, yung Gusto nya lang Karga sya💙

Magbasa pa