Same Situation. Kami, dito sa Parents ko Nakatira pero pinagawan kami sariling Kwarto para makapag Desisyon kami ng kami lang. Maka Galaw kami ng Malaya. Gusto ng Parents ko na Dito kami. So, Ito na nga, Yung 1 Month pa lang Baby Boy ko, iyakin sya sa Madaling Araw. Lahat iniyakan tapos yung Lola ko, Sobra. Marinig nya lang Umiyak yung Baby ko, Akala na kung anong nangyayare. Kakatukin nya pa kami sa Kwarto tapos kung ano ano sasabihin nya na pa dede ko daw. Ganito, Ganyan. Eh Wala na nga kong ibang Ginawa kundi mag pa-Dede. Feeling nya, Di ko inaalagaan ng Maayos Baby ko. Feeling ko sa mga sinasabi nya, ang Tanga Tanga ko, Ang Bobo Bobo ko. Parang Ayaw nyang Umiiyak Baby ko. Eh ano magagawa ko?? Eh Natural lang sa Baby na Iyak sila ng Iyak. Umiyak lang Saglit para sakanya, Iyak na ng Iyak. Sa Mommy ko, Wala namang Problema. Hindi nya kami pinapakeelaman kasi Gusto nya na natututo kami na Kami lang pero yung Lola ko, Grabe. Yun, napuno na ko, napundi na ko. Nasagot ko na sya, nag away na kami ng Lola ko. Simula nun, Di nya na kami pinakeelaman. Pero Ok naman na kami ng Lola ko ngayon. 3 Months na Baby ko & Hindi na din sya ganun ka iyakin. Iiyak na lang pag Dede sya & mag Sleep na kasi Hirap sya mag Sleep then pag Ayaw nya magpa Baba, yung Gusto nya lang Karga sya💙
mas better bumukod kayo mi, makaka ipon din naman kayo kht nkabukod kayo e, 2 yrs na kaming naka apartment ni husband. May work ka po ba o si husband lang ang meron? Sa case ko kse both kme may work. Nakakaipon pa din naman po kame kht papano. Nag high risk pa ang pregnancy ko. Tulungan lang tlga. Sa case po ng pag iyak ni baby na mejo naiirita si lolo, opo kht po ako naiirita kapag may naririnig akong bata na umiiyak lalo na po sa dis oras ng gabi lalo na po yan may trauma pa si tatay mo pala sa mga apo nya. Senior na po ba si tatay? Nahihirapan po siguro sya bumalik sa pagtulog kapag nagising sya ng dis oras sa gabi, i know iniintndi at naiintindhan naman kayo ng tatay nyo kse tgnan mo inaalagaan naman nya kayo e. Sana maintindihan mo din sya mi. If di mawari bkit naiyak si baby..i pa pedia nyo po para mas malaman baka naman my nrrmdaman pala na hindi nyo alam.
Tama naman po yung mahiya kayo. tama naman po na naiisip nyo na nakakaperwisyo kayo, mali naman po na sabihin ninyo na kaya kayo umuwi dyaan sa bahay ninyo ay para makaipon. Wag nyo nalang po sabayan o wag kayo magtapo o sumama ang loob nyo pag may nag react ng ganyan sa mismong bahay nila kasi nakikisulok lang po tayo. tama din po maisip nyo na magrent nalang kayo, at mas mainam po na ganun ang gawin ninyo. walang problema sa bata, normal lang na umiyak sya ng umiyak, mainam nalang po na bumukod na kayo dyaan para wala na kayo masyado iniisip. pangit po ang dating na parang kayo ang nagtitiis pag may nagrereact ng di tama sa bahay na tinutuluyan ninyo.
sis if hnd naman rlaga iyakin ang anak mo baka may ibang nararamdaman. Also, Iba tlaga ang nakabukod sis. Pasensya ka na kasi kayo ang nakikitira dyan kaya kayo ang mag adjust. Sabi mo naman ok naman papa mo un nga lang kapag umiyak na ang bata naiirita sya. Intindihin mo nalang din. Ipaliwanag mo sknya mabuti. Pero if ako sainyo bumukod na kayo pra may peace of mind kayo.
nung 4months na sya sis madalas na pag iyak nya ng hapon, lagi lagi na yun. tapos parang nasanay nalang din ako. dalawa lang sila ng kapatid ko nakatira sa bahay akala ko ok lang pag andito kami pero parang hindi. sa mga in laws ko naman pag nasa bahay nila kami ganun din same lang. gustong gusto na namin makabukod pero nag iipon palang din kasi kami.
hello mommy, dim light lang ba kayo pag gabi? natry mo na ba iduyan si baby? baka bet niya sa duyan maging mahimbing ang tulog niya. sabayan ng white noise. breastfeeding ba siya o formula milk? baka growth spurt kaya iyak ng iyak. check baka kinakabag.
may time ganito baby ko, nagtatabi kami ng bible sakanya para medyo kumalma siya, tapos nabuburyo pag asa loob lang ng kwarto kaya gusto din asa labas. natry mo na siya iduyan? effective din kasi yon eh
mas maging maintindihin ka din po pag nagagalit sya. know that it is hard to fight trauma. pwede din explain mo na magbabago din ang pag iyak iyak ng baby mo. communication is the key pero kung feeling mo.nagpopost partum ka. mag rent na lang kayo.
opo sinasabi ko naman po. naiintindihan ko naman po sya. dami ko na din iniisip ngayon nadadala na ako sa emosyon ko
Anonymous