Pregnancy

Nung first pregnancy Nyo po ba around 4 to 5 months malaki na po yung tiyan Nyo ? kasi yung sa akin po maliit po sya di po halatang buntis ako. dami na nga po nagsasabi ang liit ng tiyan mong nagbubuntis .nauupset po ko .

258 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here, chubby ako kaya medyo expected ko na malaki na ang tiyan ko. 4mos pregnant here pero parang bilbil lang din ang sa'kin 😅

I think normal naman sya pag first pregnancy mo kasi yung akin 8 months na nahalata e. Ok lang daw yan kasi di ka mahihirapan manganak

Ako 3 months mkha ng 6months. Hehehe. Nung wala pa mxado my alam maliit lang sya nung mdmi nkalaam bglang naging showee baby ko. Hehe

VIP Member

maliit sakin mukha akong busog, lol. pero at 6 months dun na sya lumaki pero hindi sobra kaya pag naka tshirt ako hindi parin halata.

As long as healthy po si baby okay lang po yon. Pero kung worried ka you can tell your doctor. He/She will explain kung bakit maliit.

VIP Member

hmm ako po first pregnancy ko din pero at 5 mos biglang laki ng tiyan ko haha tapos ngayon 6 mos na ako.. ang laki din ni baby huhu

Post reply image

Nko ko rin mliit lang rin baby bump, mabadtrip ka rin minsan eh pag paulit ulit, mas ok magpalaki ng bata sa labas kesa sa loob,

May mga babae po talaga na maliit mag buntis. Kahit ako po, 7mos naging halata yung tyan ko. 😊 5mos ko parang busog lang ako.

Ganyan din po ako hanggang 6 month ngaun nalang lumaki tyan ko ng 32 week na malapit na manganak kain lang po lalaki din yan☺

VIP Member

Pagmay bilbil ka, malaki po tignan tyan mo kahit 3 months palang. Gaya ng sakin. At mas lalong lumaki ngayong 8 months na. 😅

Related Articles