Pang MMK haha
Nung dalaga pa ako, wala akong alam sa buhay. Sobrang spoiled ako ng magulang ko. Lumaki ako ng tatlo ang kasambahay namin, may driver pa. Hindi ko naranasan na gumawa ng kahit anong gawaing bahay. Buhay prinsesa talaga ? never ko naisip na igiveup lahat ng meron ako para lng sa taong mahal ko. Nakakatawa talaga kasi parang teleserye. Ngyayari pla sa tunay na buhay na may makikilala ka tapos yun na. Kht wala siyang pera at ayaw sa kanya ng mgulang ko sumama ako sa kanya. First time ko mangutang kasi nagkulang budget, magtrabaho, tumira sa maliit na kwarto..grabe talaga. Kung hindi lng ako mapride umuwi nko samen. Haha Doble hirap pa dhl buntis nako ngyon. Binenta ko na lhat ng gadgets ko. Cp n lng natira. Haha Sabi ng mga kaibigan ko uwi nko samen. Pero hanggat hnd tanggap ng pamilya ko asawa ko, hnd ako babalik. Ang pera pwede kitain pero mahirap maghanap ng tao na mamahalin ka tlga.