#firsttimemom

November 26, 2020 2:29 am meet my son Jordan Blake T. Bautista 3.1 kg via NSD 4hrs Labor edd 1st utz - Nov 30 edd 2nd utz - Dec 2 Share ko lang experience ko and sana po makatulong. November 25 check up ko pag ie saken 3cm palang daw edi umuwi nako then bandang hapon pag ihi ko may discharge ako na medyo brown sabi ko baka dahil lang to sa pag ie saken. 11:45 pm pumutok na panubigan ko lumakad na kami papuntang hospital since malapit lang kami don. Pag dating ko ina-ie nako 7cm na agad then nilagyan nako dextrose at tinurukan ng pang pahilab dun na nag simula, una kaya ko pa yung sakit pero habang tumatagal patindi na ng patindi then sabi ko hindi ko na po kaya pinasok nako sa ER ng 1:00am then pag ie ulet saken 9cm pinuwesto nako kasi malapit na daw, kada hilab ng tiyan ko iniiri ko para mas mabilis tumaas cm ko then ito na nga tatlong ire sa huling ire binigay ko lahat ireng natatae mahaba matagal na ire walang tunog then baby's out na. Tips: Inom kayo salabat 2x a day, more lakad mga 30mins-1hr every morning then kausapin nyo lang si baby nyo palagi. Pag dating naman sa labor umire kayo every time na humihilab. Umire ng parang natatae, matagal at mahabang ire walang tunog para mapabilis yung pag labas ni baby. Hope it helps

#firsttimemom
35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats mommy...salabat po ba ung parang powder sya??pwede dn po ba nilaga luya??ftm lang p.o...gusto ko na kc makaraos

4y ago

pwede naman po yung powder pero mas better kung luya po talaga na pinakuluan ๐Ÿ˜Šโœจ

Congrats mommy. Ang pogi ni baby ๐Ÿ˜. Sana makaraos na din ako EDD Dec. 16 but no sign of labor padin ๐Ÿ˜

Congratulations mommy and thank you sa tips๐Ÿ˜Š God bless sainyo ni babyโค๏ธ

Congratulations po mommy, Ilang weeks po kayo nag start mag lakad lakad po?

4y ago

Hindi din pala accurate yung LMP nyo Mommies compare sa Ultrasound po?? Kasi sakin ganyan din po, yung LMP ko po is 33weeks palang ako ngayon pero sa Ultrasound ko po 35weeks and 3days na ako, medyo nakakaramdam na din ako ngayon ng pag Hilab ng Tyan po

Congrats po. Sana makaraos narin kaming mga team January.

VIP Member

congrats po and thanks sa tips sana normal delivery din

congrats momi sana ganyan din ako 39weeks here

hello baby๐Ÿค—๐Ÿค—congrats mommy๐Ÿฅฐโค๐Ÿ˜

39weeks no sign of labor pa Rin EDD Dec 17

VIP Member

ang cute po. congratulations po mommy.