MY BABY GIRL IS OUT!!!!

November 19,2019 via NSVD (3.26kls) EDD: Nov. 22 LMP: Nov. 17 I just want to share my experience as a first time mom. Yung saya abot langit? Nov. 18 pumunta kami sa hospital para sa prenatal check up lang sana and then sinabihan ko si Doc about sa mga nangyari sa akin kasi nagwoworry na ako may lumalabas na pa konti konting tubig sa panty ko akala ko wala lang yun pero pag IE ni Doc sa akin 1cm na at may something nilagay sya sa pwerta ko at nakita nya na pumotok na pala panubigan ko so ni refer na agad ako sa emergency kasi manganganak na daw ko. Kaya ayon saktong pag IE ng OB ko pumutok na yung panubigan as in sobrang lakas ng agos kaya ayun diretso na labor room kasi pumutok na panubigan ko nilagyan na nila ako ng 10 evening primrose at may iniinject every 30 mins pampahilab sobrang sakit ng pagfoforce labor di ko na alam anong gawin sobrang pawis ko na nangingiyak na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko at balakang hanggang di ko na kaya ang sakit kaya ayon pag IE fully dilated na and diretso na naman delivery room pagpunta ko don sabi na ni doc push daw pero di ko alam anong gawin kaya ayon sa ilang push ko dinaganan ang tiyan ko ng mataba na midwife para lalabas na si baby kasi mataas pa daw tiyan ko habang ginagawa nya yun di ko na kaya nawalan na akong hininga at sinabay ko ng sobrang push para lumabas si baby kaya ayon at 1:47am November 19 lumabas si baby? Sobrang worth it ang lahat ng pagod ko simula pagdala ng 9 months hanggang sa paglabor at paglabas ko sa kanya. Paglabas talaga ni baby na sabi ko talaga na "Thank you Lord!" Congratsss to us sa mga nakaraos at papunta pa lang? Just pray lang po and trust everything to God just wait the perfect time and place ❤ Thank you for this app (TAP) sobrang laki ng tulong lalo na kung first time mom ka.

MY BABY GIRL IS OUT!!!!
191 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi ask ko lang yong lumalabas ba na water sa pempems niyo is may kasamang discharge? I’m really paranoid kase parang feeling na akala ko ihi ung lumabas pero pag tingin ko may discharge na white na may tubig sa gilid. Do you think it’s normal lang po?? Currently 38w

5y ago

Yes po may kasamang white discharge. It’s normal namn

VIP Member

Congrats po mommy! Super relate ako sa induced labor at sa mataba na nurse. 😂 Ganyan na ganyan din nangyari sa akin. Yung last 2 na ere ko, sinabayan ng malaking braso ng nurse hanggang sa lumabas na si baby. ☺️

5y ago

Grabe po talaga laking tulong din ginawa na kahit papaano para lumabas si baby. Thanks to her hehe

Congrats po..ako,momsh 36 weeks..may lumalabas na konti na parang ihi everytime na gumagalaw si baby. So far di naman po masakit balakang ko..may contractions pag gumagalaw si baby. Pray na lang po talaga ako palagi.b

5y ago

Yes po pray lang po and be safe konti na lang lapit na lumabas baby mo, congraaaaats

momsh ask ko lang yung pakonti konting lumalabas sayo na tubig ano po ibig nyo sabihin dun momsh? parang lagi po bang basa yung underwear nyo ganun kasi sa akin momsh. Please response po salamat.

Hello momsh. Congrats sainyo💕😊 ask ko lang po out of curiosity. LMP nyo Nov 17, tas EDD po nov 22, pero lumabas nov 19? Bat po antagal ng duration ng pregnancy? Thanks in advance sa sagot.

5y ago

Ah bale yung LMP mo pa NOV pero nov din si baby lumabas..ibig po sabihing pwedeng di ka dinatnan for almost mos then tsaka ka nagbuntis? Kaya pala. Nalito kasi ako 1yr yung duration.

VIP Member

Anung sign po nung manganganak nkayo? Kc po ako sobrang sakit na ng pempem ko t medyo maskit na tiyan panay galaw narin ni baby ska naninigas napo tiyan ko.. Im 38weeks and 1 day napo ako ngyon

5y ago

Ganyan din po sakin momshie ee. Medyo may pa konti konti basa ung panty ko saka sumasakit din tiyan ko. Tapos hindi ako mapakali na..

Wow congratulations po Hehe Yung feeling na excited na at the same time kinakabahan dn hehe first time mom here how I wish Mag April na hehhehe 😂😂

VIP Member

Thank youuu mga mommies congrats sa atin!!! Good luck to everyone and have a safe delivery. Just pray and God will provide the rest😊

Congrats Momsh! 1st time mom din po ako, 5 months na po baby ko ngayon ❤ laking tulong po talaga ng app na ito 😊

Momsh congratz! Medyo naguluhan lng ako kc lmp ko kasi nov. 18 2018 pero nanganak ako aug. Ikaw nov?? Pano yon?