Byenan problem

Not a pregnancy post,pero gusto ko lang mag labas ng sama ng loob wala kasi ko makausap 😔 Ganto po kasi yun,yung asawa ko sya nag babayad ng wifi ng magulang nya sa bahay nila pero di kami naka tira don naka bukod kami magkaka lapit lang ng bahay,yung kuya nya don naka konek sa wifi ng magulang nila kasi nga magkakalapit lang kami ng bahay.kinausap ko asawa ko sabi ko sabihin sa nanay nya na kalahati na lang ng bayad sa wifi ibibigay nya yung kalahati kuya nya na lang mag babayad since manganganak ako laking bagay din samin non tapos ngayon di na ko napasok gawa malapit na manganak,nagalit si nanay nya sabi pag dating daw sa byenan ng asawa ko(magulang ko)lagi daw kami nag bibigay,which is hindi naman po yun totoo kasi nong napasok pa ko nag bibigay kami sa magulang ko 1k lang every sahod minsan 500 nga lang kasi nag sesave din kami para kay baby tsaka madami gastos pag buntis.naiintindihan naman yun ng magulang ko kahit nga di ako makapag bigay sakanila naiintindihan nila kasi sabi nila may sarili na kong pamilya ngayon po di na ko napasok so na stop na pagbibigay ko sa magulang ko.di ko lang maintindihan sa byenan ko bakit ganun sya mag isip sa magulang ko tsaka di yun ang inaasahan ko na isasagot nya akala ko sasabihin okay lang kasi mag kakaanak na kami madami na gastos.tanong ko lang valid po ba reason na sumama loob ko sa byenan ko dahil sa sinabi nya sa magulang ko?pupunta si mama and papa ko dito samin pag manganak ako para ma alalayan ako dahil 1st baby ko to wala ko masyado alam pa,pero ngayon nag dadalawang isip na ko papuntahin sila gawa ng byenan ko.ano po ba dapat ko gawin?#advicepls 😔

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Papuntahin mo lang momsh magulang mo dyan paki ba ni byenan.. Buti sana kung tutulungan ka niya e hindi naman🤣 Oo nakakasama ng loob.. Pero manindigan ka mi na half lang muna ibigay mo pambayad.. Wifi for leisure nga yan madalas buti nga kayo ang sagot nun sakanila.. Priority mo muna panganganak mo mahal manganak sa panahon ngayon kaya dapat may naitatabi talaga kayo.. Wag mo intindihin byenan mo yaan mo sila kung mainis man sila.. Focus kayo ni hubby mo sa alam mo kailanganin nyo

Magbasa pa
3y ago

kaya nga po gusto ko papuntahin dito magulang ko kasi nahiya ako mag utos sakanila kasi matanda na din sila tsaka iba pa din pag magulang mo di ka mahihiya makisuyo.kakalungkot lang na ganun yung sinagot sa asawa ko na pag dating daw sa magulang ko puro kami bigay kaya nagalit sakanya asawa ko kasi di naman talaga totoo.😔gusto ko nga po sana kausapin byenan ko ayaw naman ng asawa ko yaan ko na daw baka humaba pa.

try nyo pag usapin both parents nyo para magka liwanagan at para matulungan din kayo maipaliwanag side nyo na may sarili na kayong pamilya at meron na kayong mas malaking responsibilidad at gastusin, na hindi na rin sa lahat ng oras makakapagbigay kayo.

3y ago

sa side ko po okay lang naman kahit di ako nakakapag bigay naiintindihan naman nila kasi nga buntis ako,kaya lang itong byenan ko iniisip nya na lagi kami nag bibigay sa magulang ko.sa totoo lang di nya alam problema ng pamilya ko na mula nong nag ka sakit papa ko na lubog kami sa utang hanggang ngayon di pa tapos mag bayad mga kapatid ko di na ko nakakapag bigay para sa utang namin pero ni minsan wala ko narinig sa mga kapatid ko.😔