No Heartbeat @ 6weeks

Normal pu ba ito ? 6weeks dw po si baby kaso wala pa dw po heartbeat sabi ni dok, kaya pinapabalik ako aftr 2 weeks. Sana ok lang si baby sa loob 😭 Nagwoworry po kse ako 😭

No Heartbeat @ 6weeks
23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po mag 6weeks na pero wala pa.syang heartbeat nun gestational pa lamg sya. so sabi ng ob repeat tvs para malaman kung may heartbeat na si baby yun nga po nirepeat ko ng 8-9weeks yun po meron na pero nag take na din po kase ako nun ng folic. Don't worry po mag kakaroon din yan . ngayon Im 20weeks and 3dyas pregnant ❤️❤️

Magbasa pa

Normal na wala pang heartbeat at six weeks. May iba na meron, may iba na wala. Eight weeks talaga basehan. Wait ka lang and drink your vitamins. Also nakakaramdam ng stress and worry si baby, so iwasan natin magworry para di rin mastress si baby. If sinabi ng doc bumalik after two weeks, balik ka nalang. Good luck.

Magbasa pa
2mo ago

normal lang po yan, kasi sakin din 6weeks wala pang heart beat. tapos bumalik ako 8weeks meron na. 🥰 wag ka mag worry mami kasi mastress lang si baby

VIP Member

I am currently in my 3rd pregnancy, sa 1st two baby ko nagpa ultrasound ako ng 6 weeks. both walang heartbeat, inulit after two weeks ayun meron. kaya etong 3rd pregnancy ko di muna ako nagpaultrasound ng 6 weeks, 9 weeks na ako nagpaultrasound para sure na may heartbeat. Dont worry. meron yan. ❤️

2mo ago

Thank you so much po 🥰

Saken 6w1d may hb na baby ko, 25w4d na akong preggy ngaun.. Ung iba tlaga wala pang hb sa early pregnancy kaya pinapabalik after 2weeks bsta lahat ng prenatal vitamins mo itake mo mkakatulong yan para madevelop si baby at magka hb na pagbalik mo. Keep on praying sis! 🙏

2mo ago

Thank you so much po ❤️

Take ka lang po ng vitamins. Wag ka po mag worry, sabi po ng OB ko masyado pang maaga yung 6 weeks para wa heartbeat. Ako nung 6 weeks, meron na si baby, gs at sac pero no heartbeat. But after 2 weeks ayun 170 beats per minute na siya 😊. Wag ka lang paka stress mami

2mo ago

Nung sinabi kse ni dok na wala pang heartbeat medyo na bother ako, hehe pero ngayon dahil sa mga comments lumalakas na ulit loob ko ❤️ Thank you mga mommies ❤️

ako din po nung una wla pa nakita na heartbeat po niya bumalik po ako ng 9 weeks na siya yun po nakita yung heartbeat niya now 24 weeks na po kami...inum lng po mga vitamins, kain po kayo ng mga healthy foods at wag pa stress po...keep praying po..God bless po

2mo ago

Opo, Thank you po mommy 🥰

yes po .. ak0 as a first time mom , Nung una Wala Po Nakita na heartbeat kaya natakot Ako nun .. pero after 2 weeks na pabalikin Ako thanks God meron na cyang heartbeat 😊 8 weeks Po nagkaroon sakin ❣️

1mo ago

it means po nabubuo na si baby🥰pagbalik mo po after 2 weeks may baby na yan at heartbeat...🙏♥️

Hi, mamsh. Ganyan din ako nung 1st tvs ko @ 6weeks, wala pa heartbeat si baby, but after one week on our 2nd tvs may heartbeat na si baby. 💕 Basta happy thoughts ka lang po and pray palagi. 🙏🏻

2mo ago

Yes po, Thank you po 🥰

Sakin 5weeks wala pa siguro normal naman na walang HB si bby mo ngayong 6weeks kapalang akin kasi pinabalik din ako after 2weeks then mga 8weeks ako nagpa transV ako ayun meron ng HB saka bby

2mo ago

Thank you sa info mommy 🥰

Wag ka mag worry sis.. after 2 weeks pa talaga makikita ang heartbeat sabi ni doc.. unti2x palang kasi silang nabubuo sis.. 💕🙏🙏🙏