Newborn baby

Normal po ba sa newborn baby ang matulog ng 1 hr lang? Lagi po kasi siyang nagigising agad. Unat nang unat iiyak po agad pag gising niya. Malakas pong dumede, gusto niya pag gising niya po automatic dapat nakahanda na po yung formula milk niya kasi grabe makaiyak namumula pag sinalpak yung dede grabe po dumede kala mo di pinadede ng isang araw. Paano po kaya yun? Saglit lang po lagi yung tulog niya kaya panay dede baka nasosobrahan na? formula po ako kasi wala po akong breast milk :( Saglit lang po matulog ang baby ko. Lakas dumede. Hirap umire pag tumatae kala mo nag lalabor po yung itsura niya. Napakaiyakin di po nagpapatulog sa gabi 12am-4am mga 4am na po soya nakakatulog lahat po ginagawa na karga duyan sayaw wala padin po matutulog pag baba gising agad hays please help me po. #firstbaby #1stimemom #advicepls #pleasehelp

Newborn baby
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

It's perfectly normal po. My baby nga po when she's a month old, hindi ko po malagay kay nagigising agad and every hour talaga yung feedings nya, at times nga rin, nakaka ilang feedings kami in an hour. But nagbabago rin naman po yan, kasi ganyan din po yung baby ko, gising nya is from 12 am to 4 am pero inienjoy nalang namin nung hubby ko kasi ngayon 3 months na sya, natutulog na sya lagi pero nonstop yung feeding nya. So enjoy mo po kasi hindi forever na baby yung mga kids natin😊and regarding po sa poop ni baby. Breastfeed po kasi ako so hindi nahihirapan sa baby sa pag poop. Try nyo pong palitan yung formula kasi baka hindi po hiyang si baby kaya ganyan. Natural rin na umiyak si baby kasi baka na overwhelm po sa environment nya. Minsan kasi umiiyak yung mga baby natin pag hindi comfortable, pag sobrang mainit or cold, o pag maingay talaga yung environment.

Magbasa pa