Newborn baby

Normal po ba sa newborn baby ang matulog ng 1 hr lang? Lagi po kasi siyang nagigising agad. Unat nang unat iiyak po agad pag gising niya. Malakas pong dumede, gusto niya pag gising niya po automatic dapat nakahanda na po yung formula milk niya kasi grabe makaiyak namumula pag sinalpak yung dede grabe po dumede kala mo di pinadede ng isang araw. Paano po kaya yun? Saglit lang po lagi yung tulog niya kaya panay dede baka nasosobrahan na? formula po ako kasi wala po akong breast milk :( Saglit lang po matulog ang baby ko. Lakas dumede. Hirap umire pag tumatae kala mo nag lalabor po yung itsura niya. Napakaiyakin di po nagpapatulog sa gabi 12am-4am mga 4am na po soya nakakatulog lahat po ginagawa na karga duyan sayaw wala padin po matutulog pag baba gising agad hays please help me po. #firstbaby #1stimemom #advicepls #pleasehelp

Newborn baby
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy :) Baka po constipated si baby sa part na nahihirapan umire kapag tumatae. Ipaconsult niyo po agad sa pedia niya mommy. Kawawa si baby kapag ganyan. :( Sa pag iyak naman po, ganyan din ang baby ko nung newborn. Konting baba lang, gigising, iiyak, lakas mag unat at lage kameng gising ng madaling araw. Swaddle niyo po pero wag niyo ioverdressed para di mainitan. Effective ang swaddle mommy tapos hele or patugtog ng lullaby❤️ Wag lang po na kada gising at iyak, eh gatas agad kase baka mamaya, may masakit sa kanya or gusto lang maglambing :)

Magbasa pa