Gutom

Normal po ba na laging gutom? Yung tipong kakakain mo lang after few hours gutom ka nanaman? Bf po si baby. 30 days old. Eh minsan tinitiis kong di nalang ako kumain para wala silang masabi. Kasi lagi akong pinapagalitan na di man lang daw ako mabusog at di maawa sa sarili ko dahil ang taba ko daw po. Laging sinasabi sakin. "Nakakahagas ka. Di ka ba nahahagas sa sarili mo? Ang taba mo na kakain ka nanaman" di naman junk food kinakain ko. Opo mataba po ako. Hehe. Pero di ko maiwasan magutom. Kaya nagtitiis nalang ako minsan di na ko nakain lunch. Bfast dinner nalang. Para walang masabi. Pero nahihirapan din po ako magtiis. ? panay water water lang para mabusog kahit papano. Ano po kaya pwede gawin?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy kumain ka lang.... Di advisable ang magskip meals kasi breastfeeding ka... Manghihina ka niyan pati ang supply ng milk mo... Pwede ka nman kumain ng madalas pakonti konti lng nga... Nakakapayat nman ang breastfeeding eh....