11 weeks
Normal namn po yan diba? Nasa puson palang si baby kapag 11 weeks ka palang. Kinakabahan po kasi ako, dami nagsasabi bakit parang di parin ako mukhang buntis eh magtatatlong buwan na tiyan ko. Ps. Yung tahi ko po sa tyan, naoperahan po ako last year dahil sa ovarian cyst.
Dont mind them, wag ka magpastress sa nagsasabi sayo na bat di nalaki kasi kusa yan, 5 to 6mos lolobo tummy mo, enjoy every trimester mommy..
10weeks and 5days ang akin wala pa din baby bump and thats fine kc hndi pa naman ganon kalaki c baby sa loob ng tyan ☺ dont mind them.
Depende nmn kse yan sa Katawan ng Mumies. Ako Mag 12weeks Palang pero parang 5 months na tyan ko. Mataba kase ako e HAHAHAH
Normal lang naman. Iba iba kasi size ng tummy. Sakin nun mag 6months na lumaki konti parang may bilbil lang ichura.
Huwag ka makinig sa iba. Minsan nakakasama din ang pakikinig sa iba. 😂 Sa akin 15 weeks pero parang bilbil lang.
Normal lang yan. Ako nga nung turning 5 months ganyan pa din kalaki tiyan ko. Ngayon 7months lang lumaki..
normal lang po sa iba.. ako po 3 months pero mukhang 7 months na daw tiyan ko. kaya ang hirap ng kumilos
Ok lng yn bhe . Ako nga 5months n ganyan lng din kalaki . Ang mhalaga my heartbeat at healthy sya
Normal lang po yan kase fetus palang si baby maluluwag lang po isuot mo para di maipit si baby
Normal lang yan sis. Ganyan din ako, mas malaki lang siguro sakin kasi mejo mataba ako. Hehe