10 weeks pregnant
hello normal lang po mag spotting na ganito kulay? may history po kase ako last year na nakunan ako dahil mababa po yung aking matres, kinakabahan po kase baka maulit ulit. 😢


sabi po ni OB kahit anong klase ng spotting sa buntis ay hindi normal. kahit konti lang. may history din ako last year, kaya 4 weeks palang ako nainom na ako ng heragest 2x a day. hindi ako pinag bed rest, pinayagan pa ako makipag contact kay hubby (pero hindi namin ginawa) 3 days after ko magpa tvs, nag spot din ako, mag 7 weeks ako noon. konti lang din. bahid lang. balik ako agad kay OB. 2x a day pa din ako nag heragest, dapat once a day na lang non tapos naka bed rest lang ako hanggang mag 3 months kami. sa awa ng Diyos yung last pelvic ultrasound ko nung May 1 ay okay okay si baby. tyaga lang talaga sa pag bed rest at inom ng gamot. bawal din mastress at mag isip. kaya momsh pacheck up ka kaagad po at please wag mag isip ng negative. kinalma ko lang sarili ko non kahit takot na takot na din ako pero kailangan lakasan lang loob kasi kapag nag isip ka, lalo kang talo. ingat momsh. sana maging okay din kayo ni baby. 🙏
Magbasa pa


