61 Replies
11 weeks po ako ngayon sa 2nd baby pero ramdam ko na sya parang pitik pitik o minsan may nag lalangoy sa tyan nag start nung 10 weeks ko sya naramdaman. Try nyo po pag gabi pag tulog na ang lahat pakiramdaman nyo po mabuti bandang puson ganun po kasi ginagawa ko hehe tas kausapin nyo po palagi kahit maliit pa lang sya, pero pag nakaharang po placenta di po usually nararamdaman talaga.
Yes po normal lang. Depende din sam position ng placenta. Pag anterior placenta ka nakaharang ung placenta kaya d agad maramdaman. Minsan 4-5 months pa. Ako 17 weeks na pero di ko pa rin ramdam. 😂 May pagpitik pero d ako sure kung si baby ba un or hangin lang dahil lagi ako bloated.
first pregnancy po? sa akin dipa sumisipa si baby ng ganyang month kaya nakakakaba nung 2nd trimester na nagka count na kami ng kicks. may kick counter ang TAP app. gamiyin mo.po yun mama. Have a safe pregnancy po💖
4 months ko naramdaman baby ko. Naninipa na sya ng tiyan and naninigas na yung tiyan ko sa upper part. Nakakatuwa lang kasi malikot na hehe
4mos pa po bago nyo ma feel yung movements ni baby pero parang flutter pa lang yun sa tummy momsh 😍 parang kinikiliti ka pa lang non.
3 months ako ngayon, Sabi Ng ob ko nung check up ko, magalaw na daw si baby pero di pa mararamdaman Ng mommy. stay healthy Lang mamsh 😊😊
same po tayo momshi ramdam kuna din yong galaw ng baby ko.
pero Sakin po may nararamdaman ako pa minsan minsan alon lang kahit papano ramdam kona po. mag 3 months na baby ko patingin ka sa O.B mo sis
ganyan din sakin momhsie yong parang alon at pitik ni baby ramdam kuna mag 3 months nadin po akong buntis.
Usually nasa 20-25 weeks po mararamdaman ang pag sipa o pag likot ni baby as per my OB. Kapag nasa 1st trimester, pitik palang po.
Katatapos pa lang po ng 1st trimester mo. Nabubuo pa lang ang katawan ni baby, hindi pa po talaga sya mararamdaman. ☺️
yes di pa siya makapag kick Kasi di pa Naman soya totally Buo. by 4months possible active na siya pero not too strong po.
Janella Ferrer Asuncion