Gingivitis
Normal lang po ba mamaga yung gums pag buntis? di na po kasi ako makatulog sa sakit tapos tinubuan nako ng kulani dahil sa pamamaga
Normal lang po, mommy. Ganyan din ako nung 1st trim ko, from my 10th to 14th week. Sobrang maga at bleeding din ang mga gums ko. Hirap na hirap ako kumain kasi di ko manguya ang pagkain ko. Kaya kadalasan ang kain ko mashed potato lang or soup. Kaya from 84kg, bumaba ang timbang ko to 73kg! π Ang ginawa ko nag switch ako to a soft bristle toothbrush, tapos after every meal I brush my teach at saka gargle ng warm water with salt. Minsan sa gabi pag masakit, ganun din ginagawa ko. Pag di talaga kaya, saka ako umiinom ng Paracetamol. Sa awa ng Diyos, pag start ng 14th wk ko, nagsimula na mag subside yung pamamaga ng gums ko. π Sana di na maulit. Hehe... Kaya mo 'yan, mommy! Konting tiis lang talaga tayo.
Magbasa pa