delayed but negative

Normal lang po ba ma delay? Delayed na po ako ng 1 month and 2 weeks. Nag PT na po ako ng March 2, March 12 at March 13 all Negative po. Normal lng po kaya na ma delay? First time lang po kasi mangyari sakin to. At aside from urine test po may iba pa po kaya na pwede pang test? Thank you po sa sasagot

delayed but negative
30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po. Ako po kasi, normal sa akin ang ma-delay dati dahil may PCOS ako. Pero ngayon, regular naman po ang mens cycle ko. Mas maganda kung magpatingin ka sa OB mo upang malaman ang sanhi kung bakit ka na-delay ngayon. Maaaring stressed ka, or naka-inom ka ng pills o gamot kaya nagbago ang cycle mo. Pero maaari ring buntis ka, ngunit mababa ang HCG level mo kaya hindi ma-detect ng pregnancy kit. Meron pong ibang paraan para malaman kung buntis ka talaga. Pwede nyo pong ipa-check ang dugo nyo. Sana po nakatulong ang impormasyong ito.

Magbasa pa
5y ago

Is hair loss cause by PCOS momsh?

Possible.. Dati kasi regular ako,, then bigla akong nadelay for 3 months.. Di ako nagPT or what.. Nagpacheck ako sa OB then un, dun nalaman na may PCOS ako... PS: 8 months preggy na ko now..☺ 💓

5y ago

Wala kang mararamdaman na symptoms.. Basta lang di ka na magkakaron..

Normal lng po madelay lalo n po pg nagiiba ng cycle ang period nnyo, other cause pa po kung stress, or msyado nakapag loss ng gain or nag gain ng weight kaya nadedelay ang period...

Ako din last dec 2019 pa last mens ko pero try q mag PT puro negative pero nung tiningnan ako ng nanghihilot pinulsuhan aq buntis daw ako tas mababa daw matres ko.

Hindi normal madelay mumsh...lalo na kung regular ang cycle mo,kung ganyan ang result ng PT mo,better consult ur ob..para marequest ka for TRANS-V ultrasound...😊

13 days na ako delay sis naka6 PT na ako puro negative dapat march 3 may mens na ako pero wala.. Sumasakit nman dede ko.. Balak ko nga magpa trans v nito

Serum or blood test for pregnancy try mo. Maraming posibleng factor bakit nadedelay like health issues (pcos, weight gain or loss etc) at stress.

Pwede kasi stressed ka, may pcos ka or iba pang dahilan. Pacheck ka sa OB para sure kasi kahit sino samen dito yan ang sasabihin sayo.

VIP Member

ganyan din sakin mamc, kaso nung march 15 dinatnan ako tas sobrang hina, hanggang ngayon. kaso pag umiihi ako sobrang pula ng wiwi ko hays.

5y ago

Hala bakit po kaya ganyan momsh? Nagpa check up na po kayo sa OB gyne?

Simula nung nanganak ako sa first baby ko nung 2016 naging irregular ang menstruation ko. Try mo magpacheck para sigurado