TEAM NOVEMBER ❤️

Normal Delivery 3.5kilo Edd via Tvs: Nov 28 Edd via Bps: Nov 23 Dob: Nov 24 😍 39weeks and 3days Pawelcome po baby ko Aliyah Elisse Montajes 😍 Share ko lang birth story ko na kakapost ko lang kahapon dito na mag40 weeks nako close cervix parin. Umaga ng 23 nag lakad ako 1hour sa subd. namin tapos squat every maalala ko lang magsquat 🤣 tapos sa hapon naglakad kami ni hubby medyo malayo tas nakakita kami ng hagdan nag 30 beses yun akyat panaog. Gabi na nun feel kona parang may tumutulo sa panty ko pero pag check ko naman tuyo naman. Tapos nagtoothbrush nako nakatayo biglang may lumabas sakin tubig alam ko di ako naihi kasi kung iihi nmn tyo uupo na tayo sa inidoro pagtulo nun tumigil tapos biglang may sumunod na agos ulit hinawakan ko siya dun sya galing sa pwerta ko at puting malagkit. kaya nagpunta agad kmi sa lying in pag ka IE open pero wala cm pero sinaksakan nako antibiotic at buscopan. 1cm mula gabi ng 23 hanggang umaga ng 24 nawawalan nako ng pag asa kasi sabi within 16hrs dkpa nanganak CS ka na 😖 Ayun turok dun turok dto. Hanggang 2cm tapos biglang akyat ng 5cm SOBRANG SAKIT POTEK 😭 pasuko nako grabe hilab ng tyan ko sabi kona sa asawa ko tawagin na si mama at cs nlng ako haha! pero di sumuko asawa ko lahat gnawa nya pakalmahin ako dalawa beses ko pntawag nurse una ayaw pko ipaanak pero pangalawa nakapa na nya ulo ni baby palabas na haha. Tips ko lang mga mamsh kausapin niyo baby nyo, kasi kinausap sya ng mama ko na labas na sya with himas pa. at ako pray lang ng pray habang umiiyak. Nakinig sya sa mama ko pagkaalis ng mama ko ng5cm ako 🥰 tips ko rin turo ng midwife pag humihilab tyan nyo UMIRE po kayo lako tulong para bumaba si baby 🥰 hindi rin po ako uminom ng salabat, chuckie or pine apple. once ko snubukan un pero close cervix kya dko na inulit. walking lang, do kay hubby at squats lang gnawa ko 🤣😅 PS: Pangit rin po yung paabot kayo due date niyo kasi talagang nakakapoop na ang baby. Si baby ko nakapoop sakto paglabas niya kung di pako naglabor sgurado nakain na niya poop niya. no more sana all sa mga team nov na nakaraos 😁 Goodluck team november!#firstbaby #1stimemom

TEAM NOVEMBER ❤️
35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

aq po due date q na kgagaling lng ng lying in pra pacheck up pag ie sakin 4cm na nglalabor na pla aq sav ng midwife ndi mo ramdam na nglalabor kna kc daw matubig daw po aq sna nga po mgtuloy tuloy na pra mkaraos na rin po kmi ni baby

4y ago

nanganak na po aq kgav

Congrats momsh, yung duedate mo ba yun din ba nakalagay sa ultrasound mo? 39weeks and 2days no sign of labor pa din😊

4y ago

due date ko po transv - nov 28 sa bps - nov 23 po hehe

congratulations mommy hoping for my safe delivery din on january..good health po kay baby mo

4y ago

thankyou po 😍 kaya nyo po yan bsta pag iire po walang boses tikom bibig po at wag iaangat ang pwet. at pag on labor po kayo while masakit ire nyo lng po. laking tulong para bumaba si baby.

congratulations momshie and welcome to thw world baby Aliyah

congrats momsh ako 39 weeks and day 3 di pa rin nangangank due ko na sa 29

4y ago

ganun po ba yun. sabi nila malakas daw tulo ng panubigan eh

wow so pretty😍 welcome to the world and congrats sayo mumsh.

congratulations mamshie! ang cute and lusog ni baby. ❤️

Congratulations po and God bless sainyo ni baby🙏❤️

VIP Member

hello cute little angel😍😍 Congratz mommy❤️

congrats po! 😍 ask ko lng hiniwa din po ba pempem nyo mamsh?

4y ago

opo mahabang hiwa haha . sakit po mamsh.