140 Replies

hindi nga dapat nagmumura eh. maski galit ka o naiinis hindi ka dapat minumura o nagmumura. pag asawa mo minumura ka walang respeto sayo yan. ibalik mo sa nanay nya, baka matutunan pa ng anak mo na ok lang hindi ka respetuhin at dalhin pa nila paglaki nila.

Hindi po. And wag mo pong hahayaan kasi masasanay e. Nakakatakot pa baka sa susunod mamisikal. Hubby ko never akong minura kahit sobrang galit na. Pag galit sya, di nya lang ako kakausapin sandali tapos pag medyo malamig na ulo nya, saka namin paguusapan.

Para saakin kahit na iniwan ako ng ama ng aking anal, HINDI. Hindi normal na minumura ka ng asawa mo kahit galit sya. Kung may respeto at galang sya sa anak mo or mismo sayo hindi nya gagawin yun unless may masama kang nagawa na mapag aawayan nyo.

No. It only shows na walang respect dun sa asawa. Hindi ba nya naisip na it's as if minumura nya na din ang sarili nya kasi di ba once we are married, we're one. Also, it's not normal na magmura dahil galit ka whether asawa mo or ibang tao.

hindi po, kasi kahit anong galit niyan sayo kung mahal ka niya at importante ka sakanya di ka nia sasabihan ng ganyan. try to talk it out pag kalmado na siya. wag ka nalang din po papa apekto masyado kahit masakit. stay strong po always pray

hindi po tama yan..kabastosan ang pg mumura..asawa ko khit pikon na sakin un never nya ko minura tahimik lng un at pinapakinggan ang mga sermon ko..kc katwiran nya kya ako nagkakaganun dhil my kasalan dn sya.kya mahal na mahal q asawa q

VIP Member

Ganyan din skn, minumura aq ng asawa ko pag nag aaway at galit na galit na sya sakin. Pero good thing is in private nman po, pinagppray ko nalang nga din na mawala na yung ganyan nyang attitude sakin. Prayer changes everything! 🙏

No. Hindi porket galit sya ay may karapatan na syang murahin ang asawa nya. Verbal abuse yun. And masamang example yun sa mga anak kung madidinig nila. Bata palang matututo na din sila magmura kasi akala nila okay lang yung ganun.

Hindi yun normal sis for me. Pero kung ganon sya lumaki i think ganon talaga sya pero alam ko na lahat tayo pwede magbago. Mas ipakita mo nalang sis gano mo sya kamahal at ipakita mo sa kanya na di ka ganon para pamarisan ka nya.

depende sa nakalakihan nila. pero ako kahit mamura nya ako, nyek nyek nya. kasi kilala na namin ang isat isa kaya alam ko na bakit minsan kahit di dapat nalabas sa bibig nya yun hehe. inuunawa ko sya ganun din sya sakin hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles