66 Replies

Kausapin mo muna yung asawa mo at sabihin mo na nababagabag ka sa mga nakita mo and then Take some time off para makapagisip isip kayo ng klaro. Absence makes the heart grow fonder kung talagang mahal ka ng asawa mo pero kung walang pagbabago even after yung space nyo apart, saka kayo magdesisyon. Di madali yan pero sana pagusapan nyo ng maigi at magwagi parin ang pagmamahal nyo sa isat isa.

Goodluck, sis. Kaya mo yan. You deserve peace of mind

mars naiintindihan ka namin. okay lang masaktan sa ngayon sa desisyon mo, at least alam natin na darating yung time na magiging okay ka na rin. sama-sama at tulong-tulong tayo rito. hindi mo deserve manatiling masaktan sa araw araw kaya, wala ka dapat pagsisihan. mahalin natin yung sarili natin. pagpray namin ang bawat araw mo 😊 nandito lang kami if need mo ng kausap

Una sa lahat "asawa" kasal ba kayo? kasi medyo mahaba ang proseso ng annulment, pero sang ayon ako sa desisyon mo, Mas mabuting maghiwalay kung naglolokohan lang rin, in the end you will still end up having a broken family. Kung partner mo lang, (hindi asawa) mas madaling makipaghiwalay since hindi ka na dadaan sa mahabang proseso ng annulment.

Ako. The whole pregnancy ko, may gf yung tatay ng anak ko. At sobrang mahal ko sya, kaya tinanggap ko. :( sobrang dami kong nakikita sa phone nya, mga scandal mga kalabalastugan na ginagawa nya, pero parang nasanay na ko na niloloko ako. Pls enlighten me. Ano po gagawin ko, gusto ko bigyan anak ko ng kumpletong pamilya.

Di mo mababago ang taong ayaw magbago. Tumayo ka para sa sarili mo at sa anak mo. Respetuhin mo sarili mo at anak mo, lalo ang family mo - ayaw nila na ganyan mangyari sayo, inaalagaan at pinalaki ka nila. Umalis ka sa lugar na hindi ikakabuti ng buhay mo at ng anak mo.

Hello. Para lang saakn alam ko maskit kase wala ako sa sitwasyon nyo.. Pero try to fight kaht para nalang sa mga anak nyo. Mahirap lumaki ng hiwalay ang magulang danas ko yon. Pero kung pinag laban mo at wala na talaga give up na. Kase ginawa mo na ang best mo at wala kana pag sisisihan or wala ng masisisi sayo kase Lumaban ka..

Pag-usapan nyo po muna, momsh. Baka may factor na magkalayo po kayo kaya may gap po sa communication nyo. I know na hindi madali pero whatever your decision will be might affect your future. Magdesisyon po tayo pag wala ng emosyong nangingibabaw. Weigh things out. But most importantly, you pray. Let God intervene sa buhay nyo.

Romans 12:19 Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "It is mine to avenge; I will repay," says the Lord.

ifeelyou. ganyan din Lip ko 😊 never ko sya pinaghinalaan, never ko inisip na mambabae sya, pero sadyang tadhana ang gumawa ng way paranmalaman ko 💔 until now, kami pa din. Di ko kayang makipag hiwalay e. Ang hina ko 💔 Di gaya ng sayo ang strong mo para kayanin mong maging single mom. Sana makayanan ko din ❣️😊

Di mo mababago ang taong ayaw magbago. Tumayo ka para sa sarili mo at sa anak mo. Respetuhin mo sarili mo at anak mo, lalo ang family mo - ayaw nila na ganyan mangyari sayo, inaalagaan at pinalaki ka nila. Umalis ka sa lugar na hindi ikakabuti ng buhay mo at ng anak mo...

kung gusto mo lumaki anak nyo ng maayos, wag mo hayaan may nakapaligid sakanya na tao tulad ng father nya. Ipaliwanag mo nalang pag laki nya. Kung babalik ka sakanya paulit ulit ka lang nya lolokohin, sasaktan, at ipaparamdam sayo na ikaw ang mali, tapos makikita ng anak mo na ginaganyan ka.

If kakayanin nyo po, gawin nyo po yung sa tingin nyong nararapat nyong gawin, sa una po masakit, mas masakit po sa part nyo kasi may anak po kayo, pero for sure po kakayanin nyo din po yan kasi andyan naman si Baby nyo para maging lakas mo sa lahat ng bagay ☺️. Be strong po Mommy 💕

hindi mo po mapipilit magbago ang isang tao. kung gusto nya magbago, magmamabago sya para sa sarili nya. been there, done that. nagpakatatag ako mamsh! kinaya ko kahit mag isa lang ako dahil kung magmumukmok ako kawawa naman ang anak ko. laban lang mamsh, makakaraos din. keep the faith

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles