hospital or lying in?
Hi nga mommy! Sino po dito sa lying in pacheckup at nanganak? Magkano po kaya at safe po ba? Natatakot po kasi ako e pero kulang sa budget kasi di naka sampa barko asawa ko kaya nagdadalawang isip po ako e. Any advice po? Thank you ?
Hi mommy. Ako hindi pa nanganganak pero regular checkup ko since naglock down e sa lying in. Para sakin mas safe sya kung normal naman lahat ng lab test results mo and kilala na yung clinic na panganganakan mo. Advantage din is less yung chance na magkavirus ka kasi mommies and babies lang ang mga patients nila, unlike sa hospital - open for all. Package ng clinic na panganganakan ko is umaabot ng 15k kasi painless birth sya and OB ang magaassist sakin during delivery dahil first baby. I suggest before ka maglying in, magresearch ka talaga kung sino ang trusted sa lugar niyo para sure ka po :)
Magbasa pa