labor pain

new preggy mom po ako, curious po ako gaano kasakit ung contractions during labor? kakatakot. hahaha

81 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

d ako makarelate sa contractions at active labor hHaha.. though normal po ako nanganak at induced pa sabi nila mas masakit daw... pero ewan dko tlaga masasabi na masakit parang keri lang hahaha ganun kataas ung pain tolerance ko. actually i had problem with contractions kaya na induced ako i had short contractions lang di sya tuloy tuloy d rin tumitigas masyado tiyan ko. at mababa din heart beat ko. haha. naloloka nurse sa pulso ko 60s minsan 50s lang.. pag tinatannon ako if nakakfeel na ba ako ng natatae dko maintindihan kung panong natatAe. haha 8cm na ako nun tapos sabi nila malapit na daw naiinip n din ako kaya sabi ko parang nafefeel ko na na natatae na ako kajit d naman ganun pa hahaha. so pinasok na ako sa DR tapos un pinaputok na panubigan ko dun ko na nafeel sinasabi nila na natatae as in natatae ng bongga as in! mga 30mins ko lang inire si baby lumabas na hehe.

Magbasa pa

sobrang sakit di mo alam kung anong posiyong ang gagawin mo hahaha nung pinanganak ko panganay ko may hawak hawak akong damit at tuwing sumasakit kinakagat ko yun. pag normal ka manganak at nakalabas na si baby mo sarap sa pakiramdam. yun ngalang sa akin after ko manganak sumakit panga ko kc sa kakakagat ko ng damit hahhahahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa

eto yong pinakamasakit na WORTH it! yong ding ding ng ospital makakalmot mo yong lagayan ng IV fluid na mabigat makakaya ng isa mong kamay πŸ˜πŸ˜‚(experienced) pero napakagaling ni GOD truly na pag may sakit may kapalit na Kaligayahan 😊 TRUST IN HIM because GOD knows the most than us 😊

6y ago

oo nga e... lalo na pag e IE kana naman parang gusto mong sipain ang nurse e.. kung di lang tlga kelangan. naku! masipa ko tlga πŸ˜‚πŸ˜‚

sobrang sakit po parang poopsie na ang hirap ilabas. ako nun dati parang hihiwalay na kalahati ng katawan ko sa sakit. pero wag ka po matakot mommy kasi iba iba naman po tayo ng pain tolerance malay mo sayo malakas. and keep on praying po tayo mommy yan po kasi pinaka malakas na sandata natin. Godbless us po! πŸ€—

Magbasa pa

sakin di masyadong masakit 2hours ako nag labor pero sasakit tapos mawawala tapos sasakit ulit pero matitiis naman yung sakit. kausapin mo lang baby mo na wag ka pahirapan lagi mo himasin at maglakad lakad ka pag manganganak Kana kahit paikot ikot kalang sa kwarto para mabilis bumaba yung baby mo.

Inexplicable pain indeed. halos tawagin mona lahat ng santo at laman lupa kung ano ano lalabas sa bibig mo s sobrang sakit. sa una keri pa e. pero pag nasa 7cm kana sobrang sakit na nya lalo na pag palabas na sya. pero don't worry mabilis lng nman sya mawala pag nakalabas na baby

pumutok yung waterbag ko past 6 and chill lang ako nung time na yun. 1 am nagcocontractions na ako and it felt like dysmenorrhea, diarrhea, lbm na nagkasabay sabay di na ako mapakali. uupo, tatayo, hihiga πŸ˜‚ sabi pa nung nurse sa akin ang likot likot ko raw.

VIP Member

Depende kasi yan sa paglalabor pero mostly you will feel na naninigas ang tyan mo at natatae ka hahaha na ang sarap e push.. It's worth the pain yung after mong mapalabas c baby maluluha ka sa kaligayahan lalo na kung marinig mo ang first cry nya πŸ™‚

Sakit n di mo maipaliwanag haha.. imagine mo ung lower spine mo binibiyak. Waist down. Pero mas masakit parin ung ipin n sobrang sakit kapag umatake kc s sakit s ipin maiiyak ka tlaga pero ung labor pains naman masakit pero di k nmn maiiyak hehe..

hindi ko naranasan ung labor kasi 8cm pinasok na ako sa delivery room and after ilang minutes nakalabas na si baby. pero ung pinsan ko, lupagi na sa sahig sa sobrang sakit nang pagle-labor, once nakita ko din mama ko iyak na nung nagle-labor.