24 Weeks 3days..
Never pa ako nag pa check up. Dahil hindi pa alam ng parents ko na pregnant ako. Natatakot din ako. Any advice please. Yes 24 weeks na po ako. Hindi ko masabi sa parents ko na buntis na ako dahil hindi ko alam ssbhin ko dahil hindi ako papanagutan ng ama ng pinagbubuntis ko. Also may work ako. Hindi ko po alam kung mag reresign ba ako dahil pag nanganak ako wala naman ibang mag aalaga sa baby ko kundi ako lang at walang mag susustento financially. Dun lang ako aasa sa konting ipon ko thats why. Natatakot ako. ?

First: magpacheck up ka sa OB, magpaultasound ka para malaman mo kung ilang weeks ka na talaga and when due date mo. Second: If youre currently employed, mag notify ka na sa SSS and submit your ultrasound result together with your Mat1 form. You can ask your company HR about it. Third: pag lahat settled na, sabihin mo sa family mo condition mo. Kelangan mo ng support from your family especially walang bayag yung nakabuntis sayo Magiging parent ka na. As early as now maging responsible ka na. You should take vitamins already. Andyan na yan eh, so bakit ka pa magpapabaya? Blessing ang baby. Regardless kung panagutan ka o hindi, you should take responsiblity!
Magbasa paHi! Pacheck up kana, para maging safe ka at yung baby mo. Try to tell narin sa parents mo, magagalit man sila, pero for sure na maiintindihan ka rin nila. Wag muna masyado isipin yung tatay ng dinadala mo, balang araw pagsisihan nya na hindi nya kayo pinagutang ni baby. Wag kang gagawa ng makakasama sayo at kay baby, maraming babae ang gusto magkababy, but si God binigyan kana nya, kasi may maganda sya plan for you.. pray ka kay God, blessing po yan.. lahat ng bagay may dahilan bakit nayayari satin.
Magbasa padi pa ba halata yan? 6 months na pacheck up kana kawawa baby mo. tyaka dont mind mo na yung tatay. sabihin mo na sa parents mo i guess nasa right age kana. ako din pero 3 months nako umamin saknla kasi sila na mismo nakahalata sakin nag aaral pa ako kaya sobrang galit at disappointed sila pero ngayon lumabas na si baby okay naman tinutulungan nila ako mag alaga. single mom din ako :) kaya mo yan. di ka naman nila papabayaan family mo yan e
Magbasa paPa check up ka na po. Kasi need nyo po ni baby ng vitamins. Then mag notif ka na din sa work mo na preggy ka. And para maasikaso na din ang sss at philhealth mo. Malaking tulong na yun lalo na nabanggit mo na hindi pananagutan ng nakabuntis sayo. Blessing yan si baby. Parehas lang tayong single mom mamshie. Pero kakayanin natin yun. Sabihin mo na din sa family mo. Magalit man sila ngayon pero sila ang mas makakaintindi sayo.
Magbasa paNaku sis dapat magpacheck up kana. Ako kahit hindi pa alam ng parents ko nun na buntis ako regular nako nagpapacheck up. 3mos na nga nila nalaman na buntis ako eh. Akala ko hindi nila matatanggap pero ayun buong puso pa dn nila akong tinanggap. Mahirap sa una pero kapag nasabi mo na mawawala na lahat ng worries mo. Lalo hindi ka pananagutan ng lalake mas susuportahan ka nila cgurado yun.
Magbasa paAko momsh netong nag 7mos lang ako nag sabi sa family ko na preggy ako. At first akala ko magagalit sila at di nila matatanggap pero ang outcome eh mas excited pa sila kesa sakin. Pero nung di pa ako nag sasabi nagpapacheck up nako since may work naman ako at inasikaso ko na pati yung sa sss ko kasi malaking tulong sya. Pero mas importante ang check up, for you and for your baby.
Magbasa paRelate na relate ako sayu sis 6months na tiyan ko now pero nagpa check up ako monthly kahit di pa alam ng parents ko. Pra kong dumating man yung time na malaman nila masasabi din nila na di ko pinabayaan ang bata. Kaya mas better na pa check up kna. Pag iponan mo. Studyante ako pero pinag iponan ko talaga pra may pang check up ako at vitamins. ☺
Magbasa paPacheck up kna agad mamshie. Tapos kung sss member ka i-avail mo ung maternity benefits pati na rin ung sa philhealth para ma-lessen na din gastusin mo sa panganganak. Kahit anung mangyari tatanggapin ka pa rin ng family mo kaya tibayan mo loob mo sis lalo na magkaka baby kna. Pray ka lang din palage sis kaya mo yan.
Magbasa paHi mommy, pacheck up ka na po. And tell your family na, don't worry po about them not accepting you. I'm in the same predicament and okay naman po kami ng fam ko. Parents ko ang bumibili ng vitamins and milk ko tas nagiipon ako para sa pagpapanganak at pambili ng gamit niya. Think of this as a blessing mommy :)
Magbasa paPacheck up ka po para malaman kung okay si baby o hindi. Much better din naman po na ipaalam na para may kasama ka at may sumusuporta sa pagbubuntis mo. Mas okay po yung may tumutulong sayo o nag aalaga sayo para magabayan ka din po. Tell them na di mo hahayaan yung pamilya mo at anak mo.