24 Weeks 3days..

Never pa ako nag pa check up. Dahil hindi pa alam ng parents ko na pregnant ako. Natatakot din ako. Any advice please. Yes 24 weeks na po ako. Hindi ko masabi sa parents ko na buntis na ako dahil hindi ko alam ssbhin ko dahil hindi ako papanagutan ng ama ng pinagbubuntis ko. Also may work ako. Hindi ko po alam kung mag reresign ba ako dahil pag nanganak ako wala naman ibang mag aalaga sa baby ko kundi ako lang at walang mag susustento financially. Dun lang ako aasa sa konting ipon ko thats why. Natatakot ako. ?

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, para kay baby mag pacheck up ka po and sa family naman, magagalit po sila talaga pero wala pong nakakatiis na magulang sa anak. Malalaman mo na po yan now na nanay ka na po. Importante po na sabihin mo sa parents mo. May work ka naman na so tulungan nalang po kayo ng parents niyo

VIP Member

Please, pacheck up ka na kung ayaw mong mqgkqkomplikasyon si baby or yung pqgbubuntis mo, Tell your parents without hesitation, isipin mo "matatapos din yung araw na to", kung magagalit, lilipas din naman, lalo na kung mapanganak nasi baby laking saya nang mga yan. Pramis. GOGIRL

Momshie think about the baby kailangan ni baby ng vitamins ang checkup para walang complications paglabas. Sabihin mo na sa parents mo for all i know pagkumabas na si baby sobrang matutuwa ang lolo at lola niyan. Just pray and hope for the best. Always think about the baby mommy.

pacheck up ka na po. sobrang need yun. ako 1st month pa lang na nalaman ko na preggy ako nagpacheck up agad ako ng patago sa parents ko hanggang 3rd month yun kasi nalaman na nila nung 4th month. importante mamonitor mo dinadala mo. kawawa naman ang little angel sa tummy mo.

Sabihin mo na sa parents mo sis. May kapatid ka ba? Kasi baka makahelp sila when you talk to your parents. Tanggapin mo ng mapapagalitan ka pero di ka nila pababayaan. Saka magpacheck up ka na. Kawawa baby mo kung kulang sa nutrition at iniipit mo sa paglilihim mo.

Naku nasa 2nd trimester ka na mamsh. Pacheckup ka na para malaman mo developments ni baby. Saka mo sabihin sa parents mo. Mabibigla sila at baka madisappoint pero sa umpisa lang yun. Hindi ka rin nila matitiis lalo na mag-isa ka. Need mo ang support nila ngayon.

VIP Member

Mas matakot ka pag nagkaron ng complications yung baby mo dahil hindi mo na momonitor at di ka nagtetake ng vitamins. Ako nga 17 weeks na nung nalaman kong buntis ako kaya nag aalala talaga ko sa development ng baby ko ngayon. Wag mo nang patagalin pa yan.

VIP Member

Mommy need mo magpacheck up para malaman kung okay lang ba si baby. Sabihin mo na rin sa parents mo. Tanggain mo nalang kung magagalit sila, di ka rin naman nila matitiis eh. Sa umpisa lang yan sila magagalit. Isipin mo mamsh si baby. Godbless! ☺️

mas mabunting sabihin mo na agad sa magulang mo sis. para if ever na may mangyari sainyo ni baby alam na nila agad. sa una lang siguro hindi nila matanggap pero pag nakita na nila si baby siguradong matatanggap nila

VIP Member

mommy pacheck up kna kc baka di na sapat ung dugo na supply sainyo ni baby. aq mg2nd trimester n nung ngpacheck up buti naagapan eh. try to tell mahirap man pro tanggapin dpt ung galit nila, and pray nrin mommy.