ultrasound

Need po ba everymonth mag pa ultrasound?

157 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa akin depende.. every 3months akong ngpapa ultra sound, walang advice yung ob ko na dapat every months basta ang mahalaga daw mao maibigay akong ultrasounds sa kanya as record. 3x na akong ngpapa ultrasound. Una para sa sss ko, pangalawa para sa prenatal ko tapos itong huli for gender. Namamahalan kasi ako sa ultrasound, alam mo na basta nkatira ka sa city dapat mgpapaultrasound ka di gaya sa probinsya hilot hilot lng okey nah

Magbasa pa

sakin po every month po ako nagppachek up ang ultrasound ..para mamonitor din po f me nagbbgo sa pag bubuntis ko .. like 4mos.cephalic presentation nun 5mos. breech sya pero sabi ng ibang momsh.. iikot pa daw..depende po senio f want nio po every month 😊 Firstime mom.po kasi kya neexcite mgpaultrasound everymonth 😊😊

Magbasa pa

Not necessary na monthly ang ultrasound, pero ang check up po sa OB dapat ang monthly.. kapag high risk po kayo or may nakita si OB sa utz nyo po, pde nya ipa repeat.. sakin po kasi medyo high risk po pregnancy ko kaya monthly ako nagpapa utz..😊 20weeks preggy and wait ko nlng po next utz ko which is CAS na..❀

Magbasa pa

ako simula nag preggy ako. 1TransV 6weeks, Pelvic 17weeks, Pelvic 19weeks(gender) and 20 weeks 5dys CAS. bale apat na. Looking forward pa sa mga susunod..ngging panatag lagi loob ko pag nalalaman kong ok naman sya sa tummy q..Lalo n nung nag oa CAS ako. gumaan pakirmdam ko kasi ok naman mga body parts ni baby..

Magbasa pa

Depende po sa case. Ako po kasi high risk pregnancy kaya around 2nd to 3rd trimester halos every 2weeks to weekly ang ultrasound to monitor the baby. So far naging ok naman si baby although preemie sya kasi sa sobrang selan ng pagbubuntis ko di na kinaya paabutin ng kahit 37 wks

Depende po. Kung maselan po pagbubuntis at need ng close monitor sa progress ni baby. Yes needed po. Pero kung hindi ka naman po maselan or wala namang problema sa pagbubuntis mo hindi na po siguro. Magastos din po kasi kung monthly ka magpapaultrasound eh..

Depende. Kasi ako noon every check up ko may ultrasound ako, kc panay hilab ng tyan ko. Hanggang June ultrasound ako. Tapos ito na lang last Friday ulit ako na ultrasound para makita kung naka cephalic na si baby.

VIP Member

3x for full semester first 3months 6months then before manganak pero Kung tipid ka po between 1 and 2 semester importante kc Yun then before manganak ulit para makita position ni baby

hindi po, ma ok kung 7months ka na magpailtrasound para alam mo na gender,masama din kasi pag lage lage nagpapaultrasound kasi alam ko may radiation jn baka makasama kay baby

Hindi. Pero ang mostly required na ultrasound sana every trimester may isa kang ultrasound. Pero if d kaya sa budget kahit 5 or 6 months kna lng magpa ultrasound ok na un.