cesarian or normal please advice me

need ko po advice ninyo kung bakit po gnun hatol kaagad ni doc sa akin gusto na niya ako agad i c.s. 37 weeks po ako now 3.1 kg na daw c baby kaya i c.s na daw niya ako sa unang baby ko normal delivery ako 10years old na c panganay ko now po may gdm ako pero nacontrol ko nmn po sugar level ko..normal nmn po ultrazoung ko ung 3.1 po daw na un,sabi ng sonologist na o.b din is normal,at pasok pa,sa required weight based sa gestational age...cephalic high lying at ok po panubigan ko 16.6 ung bps ko 8/8 po..nasakit naman po ang puson ko na.sabi po niya mataas pa daw baby ko floating daw wala pa daw s abuto gnun po ba un need niya madaliin i c.s kahit wala nmn po problema..malaki daw c baby binase po niya sa unang baby ko 2.8 kasi panganay ko.mataas pa daw.please doc.wala nmn akong gnung kalaking pera which is sa privste pa na hospital niya ako ilalagay

cesarian or normal please advice me
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Choice nyo po yan, sabihin nyo na gusto nyong itry inormal si baby... Mahirap po talaga may mga ob na may makita lang na konting problema cs agad... Sakin nun at 37 weeks gusto narin akong ics ng ob ko dahil naman sa nuchal cord loop, 3 na ikot sa neck nya so possible daw na mastress si baby. E nung monitor sa heart rate okay naman, kaya sabi ko bigyan nya pa ako ng 1 week kasi ayaw kong ma ICU si baby dahil saktong 37weeks yun baka mapaaga kako. After a week natanggal nya cordloop, nanganak ako ng normal at 39th week 3.3kgs sya. Kayo po ang masusunod sa katawan nyo.

Magbasa pa
5y ago

May mga ob po na mas pinopromote ang normal. Hanggat kaya mo, inormal mo. Kumbaga may birth plan kayo ni ob kung hindi na talaga kaya last resort na po ang cs. Ganun ang ob ng kaibigan ko. Bababa din naman po yan e. Lagi kong iniisip nung mga ninuno natin walang ob, aantayin lang talagang normal na lalabas ang baby ang advantage lang satin kaya nating imonitor saka choice natin kung anong way ng panganganak ang pipiliin natin.