Sugar Comparison

Need help sa marunong mubasa ng result ko. Yung yello na result may plus sign sya sa Sugar ko nung January yan na lab tapos sabi ng OB mag OGTT ako para malaman sugar level dahil baka diabetic ako tapos kanina nag ulit ako ng lab kasi pina ulit nya NEGATIVE na yung sa Sugar ko wla ng Plus sign. Meaning po ba nun ok na sugar ko hindi kasi ako naka OGTT kasabay kanina kasi hindi naka pag fasting. Please need help po para hindi nalang ako mag OGTT test sayang kasi.

Sugar Comparison
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Iba po yung ginagawa sa OGTT sis. Sa dugo po siya binabase and hindi sa wiwi. Mas ok po if mag separate test kayo for OGTT para malaman as early as now if may gestational diabetes kayo or wala. If ever may gestational diabetes po kayo may mga need kayo gawin like monitor blood sugar, controlled diet. Pag hindi po nacontrol diet pwede po kayo ipag-insulin. High risk po kasi ang mga may gestational diabetes dahil mas prone sa CS if hindi nacontrol ang sugar lumalaki si baby sa loob ng tyan.

Magbasa pa
VIP Member

Better pa din po mag OGTT. Mas accurate po ang sugar count nun kesa sa urinalysis lang. Ako walang sugar sa wiwi pero elevated pa din sugar sa OGTT