IN LAWS PROBLEM

Need advise pano sasabihin kay LIP ang gantong sitwasyon ng hindi niya mamasamain.

IN LAWS PROBLEM
4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

when you're planning talaga na pumunta sa buhay may asawa, much better talaga na bumukod kayo to avoid conflicts and misunderstanding, at makapagdecide kayo ng kayo lang pero syempre depende yun sa sitwasyon kung ano ung napagplanuhan nyo or masmaluwag sainyo. ngaun na nasa bahay kayo ng in laws mo, I think ikaw talaga magaadjust, yes mahalaga talaga ang privacy pero hindi natin mapipilit kung ganun sila, ang mahalaga good terms kayo, tanggap ka nila at ramdam mo na pamilya ang turing sayo. sa totoo lang mahirap sabihin sa asawa mo, lalo't parents nya un, baka magkaroon ng misunderstanding pero sana marealize na lang din nila na, na need nyo din ng privacy ganun din ang asawa mo lalo't yun lang naman ang main problem. sa ngaun, ikaw muna magadjust lalo't nakatira kayo sa bahay nila. baka gusto ka nila kilalanin maigi, try to open your self to them also, makipagkwentuhan ka sa kanila sa salas, makipagbonding, pagpagod ka, just excuse your self na lang na idlip ka muna saglit ganon, or may gagawin ka lang saglit para malaman nila na need mo ng privacy, sabihin or iparamdam mo sknla un in a way na- di sila masasaktan or maghihinala na iniiwasan mo sila coz magiging conflict. unawain mo na lang din ung sitwasyon, pakisamahan para wala kayong maging problema and also love them na parang magulang mo na sila kasi in laws sila ng asawa mo. hindi ko alam ung buong pinagdadaanan mo, but I hope nakatulong. πŸ˜‡πŸ’—

Magbasa pa
3y ago

Welcome! I feel you even though wala ako sa sitwasyon mo, may times talaga na need natin ng alone time at privacy, kaso yun nga lang to avoid misunderstandings at conflict ikaw na lang talaga magaadjust lalo na house pa din yan ng in laws mo, ang hirap talaga magexplain ng ganun sitwasyon. hoping na lang marealize nila na, ung hubby mo may asawa na tas need nyo ng bonding na kayo lang ganun, na ikaw meron ka din gusto gawin, at feel mo din magrelax/alone time. but I really hope someday magkaroon na kayo ng sarili nyong house ni hubby mo πŸ’— dream yun para satin nags-start ng family πŸ˜‡ ingat palagi, kaya mo yan mi! smile lang, wag ka na mastress πŸ’—

momsh kayo ang nakikitira kaya kayo tlaga ang mag aadjust. Pero kami nsa in laws din nakatira now for 2yrs na yata. Ako kasi makapal mukha ko eh πŸ˜…πŸ€£ Nandito kami sa 2nd flr nagroroom. Hindi sila pumapasok sa room namin ng hnd kumakatok. saka ako kasi honest at prangka ako, kapag mah ayaw ako sinsabi ko sknila diretsyo at sa hubby ko. Kaya kapag ang hubby ko magsabi sknila " Wag kayo aakyat/ingay kapag after lunch na kasi si ate nyo at mga bata ay natutulog baka magising." ganyan. kasi ako una nagrereklamo sa hubby ko kapag meron ako hnd gusto sa ginagawa nila. Tpos saka nya pagsabihan mga kaptid at papa nya. Pero kapag wla si hubby ako nagsasabi sknila diretsyo. I think magalaga na malaman nila kung ano routone nyo like us. alm nila oras ng shift ko since wfh ako. alm nila oras ng kaen at tulog namin kaya minsan nag aask sila if ano gisto namin food, alam nila na kapag after lunch tulog kami kaya bawal kumatok unless emergency. khit dpt nsa inlaws dapat alam don nila limit.

Magbasa pa

Ang sweet naman ng in laws mo ☺️ bka minamake sure lang nila na okay kayo o comfortable kayo o bka need nyo ng kausap baka kase nabobored kayo o nahihiya ka kaya sila na ung nag aapproach sa inyo. As long na hindi sila nakikialam sa mga desisyon nyo sa buhay o plans nyo okay lang yan. Ang sarap ng feeling na parang pamilya ang turing sayo ng in laws mo β™₯️

Magbasa pa

same momsh. pero ayun nga. since nasa bahay tayo ng parents, we don't have a choice. Ang dami kong experience ng bigla bigla na lang pumapasok si MIL sa room namin. tapos sobrang aga pa. gigisingin si baby. Minsan nga dun pa nakikitulog yung MIL ko kasi gusto daw niya makatabi apo niya.😩

3y ago

same po dito din natutulog MIL ko kapag tanghali which is gusto ko din matulog. nahihiya po ako makitabi dahil baka masagi ko siya at magising. kaya ako uupo nalanh ako sa sulok hanggang magising siya kahit gustong gusto ko itulog sa tanghali. πŸ˜…πŸ˜