Sana naman pooo 🙂
Naway isang araw ay maging masipag at matured na ang tatay ng aking mga anak. Ako ay napapagod na hahahaha napapagod nako mag para bunganga sa nakikita ko saknya hahahahahahahahahaa parang gusto ko bumalik sa pag ka dalaga. 🤣 #34weeksand2days

Share ko lang po. Long post ahead. i have been a nagger before.. as in nangungunsumisyon sa asawa ko, thanks God wala namn issue tungkol sa pambabae.. kaso hindi makatanggi kapag nayaya na sa inuman ng mga katrabaho, ganung di naman malakas uminom at may pamilya na siya. hindi ko namn siya pinagbabawalan kung gusto niya maglibang o maghappy happy paminsan minsan, kasi ayaw ko dumating yung araw na sabihin niya sakin na nasasakal siya. siya rin yung tinatanong ko kung ano oras siya uuwi. Pero yung sinasabi niyang 11pm abay 4am na di pa nauwi. ayaw niyang magalit yung mga katrabaho niya kung tatanggi siya, pero ok lang sa kanya na magkasamaan kami ng loob.. meron kaming isang anak. that time baby pa.. hanggang umabot na ng dalawang taong nangungunsumisyon ako kaya bunganga ako ng bunganga sa kanya. lagi ko tinatanong sarili ko.anong bang mali? maluwag naman ako sa kanya. hindi ko siya pinagbabawalan, pero sana alam niya rin limitasyon niya ganung may pamilya na siya. then nung una, pampalipas oras lang, sumasama ako sa mga nagbabible study. pero kalaunan doon ko naintindihan na totoo yung kasabahang "walang matigas na tinapay sa mainit na kape" binago ko approach ko, winala ko ang pagbunganga ko sa kanya, mas naging mahinahon pa ako(na kahit minsan, parang gusto ko na siyang pokpokin sa ulo) mas naging maasikaso pa ako. Inapply ko lahat ng natutuhan ko sa bible study kung paano magiging maayos ang buhay may pamilya. nakita ko naman na may "konteng pagbabago sa kanya". mas maaga na siya umuwi kumpara dati, pero lumalagpas parin sa oras na sinabi niya. ilang beses ko na siyang binalak layasan. ang tanging pumipigil lang sa akin eh ang kapakanan ng anak ko.. ayaw kong lumaki siya na walang ama. mas matimbang ang anak ko kesa sa kaligayahan kongmaging malaya na. the last time na nag away kami, halos parang normal nalang ang reaction ko. namanhid nako sa stress. then that time, nabayaran ko na lahat ng loan ko, at nakakasahod na ng buo. kaya kinausap ko siya ng masinsinan, mahinahon pero hindi ko na magawang tignan siya.dahil namanhid nako. sabi ko, " Papa, sabi sa bible, Husband love your wife, Wife submit to your husband. Willing naman ako sumunod sayo. Yung submission hindi nangangahulugan na magiging under ako sayo, bagkus iyon ay willingness to follow. Pero paano mo masasabi na you love your wife kung palagi nalang ako nangungunsumisyon sayo. Saka nga pala, tinatancha ko na kung kaya ko na buhaying mag isa si Sofie. " after nun, bigla siyang yumakap sakin.. siguro naramdaman niya na sincere at seryoso ako na handa na siyang iwan.. Then fast forward ng 8years, we have a happy marriage now. walong taon narin kaming di nag aaway. Mas naging matured na siya at malabing. mas prioridad na niya ang pamilya namin. So mommy, wala akong ibang maipapayo kundi, una, idaan mo sa panalangin. hingi ka kay God ng maraming pasensya at lakas ng loob. 2nd, maging mahinahon ka sa pagsasalita at pagkilos. Lunudin mo siya sa pagmamahal. 3rd, subukan mo rin na mag sideline para mag earn ka rin. online selling, tinda ng food, etc. and lastly, ang babae, malakas at matapang, umiiyak at napapagod, pero walang hindi gagawin para sa kapakanan ng anak. virtual hug sayo mommy. 😊
Magbasa paMen will not change just because nag bunganga ka. Mas aalis yan sa bahay niyo, naichika ka pa nyan sa mga tropa nya. Chill ka muna. Isipin mo ang baby mo at sarili mo. Give yourself a break. Respect and love yourself more. Kailangan makita ng iba na hindi ka basta basta para wag ka nila kayanin. If you see yourself worthy, act like it. Magrereflect yan sa iba at makikita din nila na worthy ka. Just to share, never akong nagbunganga sa asawa ko kahit noong mag bf-gf kami. Siya pa mismo nagsasabi na nagtatampo siya sa akin dahil para daw siyang walang gf dahil hindi ko siya pinagbabawalan. Sabi ko, "bakit, nanay mo ba ako? Malaki ka na, alam mo ang tama at mali. kunsensya mo na yan kung magloloko ka." Kill them with kindness ika nga. You are the better person, eh. Pero wag din tanga-tangahan. Let him know na porke tahimik ka, eh hindi mo na alam mga ginagawa niya. Another thing, dumating din ako sa point noon na pagod na ako. Hiniwalayan ko siya. Sabi ko, kaya ko naman na wala siya. At alam niya daw yan. Kasi totoo naman. Kaya kong buhayin ang sarili ko. Kaya alam niya na kung umabot kami sa magkakanya-kanya eh hindi ko siya hahabulin. Sabi niya pa noon, ang taas masyado ng pride ko. Sabi ko, hindi yun pride, self-worth yun. I will never stoop down for a man. Hindi ako binuhay ng mga magulang ko para mastress sa isang lalake lang. He is now my husband, and he changed totally. He knows that I can still live without him, but he also knows how much I love and respect him. Patuloy niya pinapatunayan na haligi siya ng tahanan namin. Wala akong masasabi kundi napakabuti ng Panginoon sa buhay namin. From being so immature, grabe nagstep up siya for us. Bakit? Mahal niya ako, kami ng anak namin. Sinermunan ko ba? Hindi. Siya mismo ang nagdesisyon. Ganyan sila mommy, ang lalake pag gusto, lahat gagawin. Sa totoo lang, totoo yung sa Relationship Matters page sa fb. Sabi doon, dapat mas mahal ng lalake ang babae. Ang lalake pag nagmahal kasi lahat ibibigay. Pag nakita yan ng babae, lalakas din ang loob niya at ibabalik niya ang love. Happy ending yan. Pero kapag ang babae mas love ang lalake, puro sacrifice si girl. Balewala kay guy. Ending sobrang hurt si girl palagi kasi feeling stressed siya lagi at si guy wapakels. Sad and hurtful ending yan. Mommy, it's not too late. If you think sobra na, I think it's best to leave. Oo mahirap, but do you think your babies deserve that kind of father?
Magbasa paako dati,sobrang nasaktan Kasi,parang walang pake ung Asawa ko samin..sobra pa nga ung npag daanan ko kesa sayo..pero naisip ko,Hindi ko kailangang ipagpilitan ko Ang sarili ko at Ang baby ko sa knya...KASAL nga Rin kmi..pero Ang sakit dati na parang Wala lang kmi sa kanya...Ang ginawa ko,pinakita ko sa kanya na mahal ko parin xa at Ang negative na ginagawa nya,binabalikan ko nang kabutigan..hehehe un cguro narealize nya na dapat kami ung unahin nya..diko Rin alam kung panu xa nagbago..pero now,ok na kmi..4 na anak nmin😁ligate na nga ako at dalwang beses na CS..pero di na nya kami pinabayaan
Magbasa pabeen on the same situation. he's so tahimik ever since dko nlng pinansin. ayun Hanggang sa naka panganak ako di na kmi nag uusap kung di importante. Pero di Kase kami magkasama sa bahay kaya Keri lng. Inaalagaan ko yung anak ko habang sya nasa manila to study. My sustento naman from his family pero ansakit. Nasasaktan ako para sa anak ko, kase ni Kamusta wala. Ayoko na lang sya ichat, kung ayaw nga okey. Wala naman kase tayong magagawa kung ganyan Talaga sila e. tayo lang din yung masasaktan if ipipilit pa natin.
Magbasa paHindi mo na sya kailangan pagsabihan be wag mo stressin sarili mo if ganun ung attitude nia ang tatay o lalaki ay maaring magbago kapag nag sink in na sknya ung pagiging tatay nia, ung obligasyon nia sa bata ay may isip sya at hindi na kailangan pag sabihan, if stressin mo lang sarili no sknya ikaw din mahirapan at masasaktan iwasan din naten pag bubunganga sa mga asawa naten kase un ung number one na ayaw nila. In time makikita mo din na magbabago na sya at magkakaron ng initiative bilang ama ng inyong anak
Magbasa paMommy do not stress yourself at the end of the day kakampi mo ang sarili mo at ang kaagapay mo ang anak mo. Kung sige ka magbunganga mapapgod ka lang naubusan ka na ng energy --- nastress ka pa. Hoping na pagdating ng baby ninyo magiging matured din ang asawa mo hindi pa siguro nagsisink in sa kanya na may supling na siya soon. Man will change his behavior, mindset, beliefs if he wanted to. Think positive always Pray ❤️ lovelots!
Magbasa paang hirap no, parang tayo lang ang pilit na magmature simula ng maging ina, may mga lalaki na ang pakiramda nila anak rin natin sila. gusto nila sila lang yun intindihin at tayo e mawalan ng choixe kundi intindihin sila. may tengga pero bingi. may mata pero bulag. ang sakit lang isipin tayo yun naging tanga nun pinili natin sila ang maging ama ng tahanan.
Magbasa pafor now,focus ka nlang Muna sa anak mo bhe...napag daanan ko nadin Yan...tama c Arianne sa mga sinabi nya...kaya,alagaan mo c baby at ung self mo xmpre..wag mo stressin ung sarili mo kaka bunganga sa Asawa mo Kasi hate nga NILA un...wait mo na kusang mag mature ung isip nya at gampanan ung obligasyon nya sa Inyo...at wag lumimot magpray Kasi powerful un.
Magbasa pamay mga ganyan talagang lalake. kung ako sayo, iwan mo! ahahahahha mahirap oo pero kung hinihila ka na din nya pababa dahil sa katamaran at pagiging immature nya, walang mabuting maidudulot sayo yun at sa mga anak nyo. mas ok na maging single mom ka pero paangat ka kesa pamilya kayo magkakasama pero palubog kayo parepareho.
Magbasa paganyan din mister ko sis,naghahanapbuhay ako,ag kauwi ko ng bahay nag aalaga ako ng dlawng anak namin,asikaso ng pagkain at sa bahay,nagsawa nko magdiwara,pag ako napoagod pahinga lng,gawa ulit ng mga di natapos na gawain,matatapos dn yan,,samahan ng dasal at tyaga,wag susuko‼️