Sana naman pooo 🙂
Naway isang araw ay maging masipag at matured na ang tatay ng aking mga anak. Ako ay napapagod na hahahaha napapagod nako mag para bunganga sa nakikita ko saknya hahahahahahahahahaa parang gusto ko bumalik sa pag ka dalaga. 🤣 #34weeksand2days

Men will not change just because nag bunganga ka. Mas aalis yan sa bahay niyo, naichika ka pa nyan sa mga tropa nya. Chill ka muna. Isipin mo ang baby mo at sarili mo. Give yourself a break. Respect and love yourself more. Kailangan makita ng iba na hindi ka basta basta para wag ka nila kayanin. If you see yourself worthy, act like it. Magrereflect yan sa iba at makikita din nila na worthy ka. Just to share, never akong nagbunganga sa asawa ko kahit noong mag bf-gf kami. Siya pa mismo nagsasabi na nagtatampo siya sa akin dahil para daw siyang walang gf dahil hindi ko siya pinagbabawalan. Sabi ko, "bakit, nanay mo ba ako? Malaki ka na, alam mo ang tama at mali. kunsensya mo na yan kung magloloko ka." Kill them with kindness ika nga. You are the better person, eh. Pero wag din tanga-tangahan. Let him know na porke tahimik ka, eh hindi mo na alam mga ginagawa niya. Another thing, dumating din ako sa point noon na pagod na ako. Hiniwalayan ko siya. Sabi ko, kaya ko naman na wala siya. At alam niya daw yan. Kasi totoo naman. Kaya kong buhayin ang sarili ko. Kaya alam niya na kung umabot kami sa magkakanya-kanya eh hindi ko siya hahabulin. Sabi niya pa noon, ang taas masyado ng pride ko. Sabi ko, hindi yun pride, self-worth yun. I will never stoop down for a man. Hindi ako binuhay ng mga magulang ko para mastress sa isang lalake lang. He is now my husband, and he changed totally. He knows that I can still live without him, but he also knows how much I love and respect him. Patuloy niya pinapatunayan na haligi siya ng tahanan namin. Wala akong masasabi kundi napakabuti ng Panginoon sa buhay namin. From being so immature, grabe nagstep up siya for us. Bakit? Mahal niya ako, kami ng anak namin. Sinermunan ko ba? Hindi. Siya mismo ang nagdesisyon. Ganyan sila mommy, ang lalake pag gusto, lahat gagawin. Sa totoo lang, totoo yung sa Relationship Matters page sa fb. Sabi doon, dapat mas mahal ng lalake ang babae. Ang lalake pag nagmahal kasi lahat ibibigay. Pag nakita yan ng babae, lalakas din ang loob niya at ibabalik niya ang love. Happy ending yan. Pero kapag ang babae mas love ang lalake, puro sacrifice si girl. Balewala kay guy. Ending sobrang hurt si girl palagi kasi feeling stressed siya lagi at si guy wapakels. Sad and hurtful ending yan. Mommy, it's not too late. If you think sobra na, I think it's best to leave. Oo mahirap, but do you think your babies deserve that kind of father?
Magbasa pa
