Sana naman pooo 🙂
Naway isang araw ay maging masipag at matured na ang tatay ng aking mga anak. Ako ay napapagod na hahahaha napapagod nako mag para bunganga sa nakikita ko saknya hahahahahahahahahaa parang gusto ko bumalik sa pag ka dalaga. 🤣 #34weeksand2days

Share ko lang po. Long post ahead. i have been a nagger before.. as in nangungunsumisyon sa asawa ko, thanks God wala namn issue tungkol sa pambabae.. kaso hindi makatanggi kapag nayaya na sa inuman ng mga katrabaho, ganung di naman malakas uminom at may pamilya na siya. hindi ko namn siya pinagbabawalan kung gusto niya maglibang o maghappy happy paminsan minsan, kasi ayaw ko dumating yung araw na sabihin niya sakin na nasasakal siya. siya rin yung tinatanong ko kung ano oras siya uuwi. Pero yung sinasabi niyang 11pm abay 4am na di pa nauwi. ayaw niyang magalit yung mga katrabaho niya kung tatanggi siya, pero ok lang sa kanya na magkasamaan kami ng loob.. meron kaming isang anak. that time baby pa.. hanggang umabot na ng dalawang taong nangungunsumisyon ako kaya bunganga ako ng bunganga sa kanya. lagi ko tinatanong sarili ko.anong bang mali? maluwag naman ako sa kanya. hindi ko siya pinagbabawalan, pero sana alam niya rin limitasyon niya ganung may pamilya na siya. then nung una, pampalipas oras lang, sumasama ako sa mga nagbabible study. pero kalaunan doon ko naintindihan na totoo yung kasabahang "walang matigas na tinapay sa mainit na kape" binago ko approach ko, winala ko ang pagbunganga ko sa kanya, mas naging mahinahon pa ako(na kahit minsan, parang gusto ko na siyang pokpokin sa ulo) mas naging maasikaso pa ako. Inapply ko lahat ng natutuhan ko sa bible study kung paano magiging maayos ang buhay may pamilya. nakita ko naman na may "konteng pagbabago sa kanya". mas maaga na siya umuwi kumpara dati, pero lumalagpas parin sa oras na sinabi niya. ilang beses ko na siyang binalak layasan. ang tanging pumipigil lang sa akin eh ang kapakanan ng anak ko.. ayaw kong lumaki siya na walang ama. mas matimbang ang anak ko kesa sa kaligayahan kongmaging malaya na. the last time na nag away kami, halos parang normal nalang ang reaction ko. namanhid nako sa stress. then that time, nabayaran ko na lahat ng loan ko, at nakakasahod na ng buo. kaya kinausap ko siya ng masinsinan, mahinahon pero hindi ko na magawang tignan siya.dahil namanhid nako. sabi ko, " Papa, sabi sa bible, Husband love your wife, Wife submit to your husband. Willing naman ako sumunod sayo. Yung submission hindi nangangahulugan na magiging under ako sayo, bagkus iyon ay willingness to follow. Pero paano mo masasabi na you love your wife kung palagi nalang ako nangungunsumisyon sayo. Saka nga pala, tinatancha ko na kung kaya ko na buhaying mag isa si Sofie. " after nun, bigla siyang yumakap sakin.. siguro naramdaman niya na sincere at seryoso ako na handa na siyang iwan.. Then fast forward ng 8years, we have a happy marriage now. walong taon narin kaming di nag aaway. Mas naging matured na siya at malabing. mas prioridad na niya ang pamilya namin. So mommy, wala akong ibang maipapayo kundi, una, idaan mo sa panalangin. hingi ka kay God ng maraming pasensya at lakas ng loob. 2nd, maging mahinahon ka sa pagsasalita at pagkilos. Lunudin mo siya sa pagmamahal. 3rd, subukan mo rin na mag sideline para mag earn ka rin. online selling, tinda ng food, etc. and lastly, ang babae, malakas at matapang, umiiyak at napapagod, pero walang hindi gagawin para sa kapakanan ng anak. virtual hug sayo mommy. 😊
Magbasa pa
