6615 responses

Nagpahula ako, 3rdyr HS, pero diko inexpect na tumugma talaga sa pangyayari sa buhay ko simula non. Sabi nya noon magkakaboyfriend ako gwapo, tisoy daw napakaputi pero hindi yun magtatagal dahil iba daw magiging serious relationship ko. Gwapo din daw, maputi, pero mas matangkad. Eh totoong nagkaboyfriend ako classmate ko sa naging new school ko non, tisoy to the point na konting init namumula agad balat pero di umiitim, seryoso sakin yun dahil until now di nya padin tanggap bakit kami naghiwalay kahit may anak nako. Yung husband ko, eto naging ikalawang boyfriend ko, from other school sya, schoolmate nang 3 pinsan kong lalaking binarkada nya para mapalapit saken, every after school, pumupunta sa school ko para sunduin ako at diretcho uwi, #1 hate ko sya non idk why pero dahil na din sa pagiging feeling boyfriend nya. Maangas sya, porket barkada nya mga pinsan ko, inaagaw nya bag ko mula sa boyfriend ko non lagi, syempre yung boyfriend ko sasabihan ng mga barkada namin na ibigay nalang dahil talo sya, mga pinsan ko barkada ng husband ko now. Pero sobrang mahal talaga ako ng hubby ko non, timing na naghiwalay kmi ng cmate boyfriend ko dahil wala talaga akong nafefeel na love sa kanya and di ako comfortable kahit anong ipakita nyang pagmamahal at effort naawa lang ako kaya sinagot ko. After a month si hubby na naman umiyak na sa harapan ko dahil 3YEARS, 3YEARS syang nanliligaw saken. simula grade 6, nag 3rdyr na kami, Consistent. Loyal. Faithful. di ko lang alam bakit ayoko sa kanya non 😆 Umiyak na, lumuhod, kinokonsensya ako ng mga pinsan ko dahil alam nilang mabait yun kaya sinagot ko. Diko alam yun na pala makakatuluyan ko at napakswerte ko. Going 10yrs na kami ngayon. Another hula, mabubuntis daw ako at ang baby ko kailangan ko alagaan at bantayan dahil yun daw ang magdadala ng swerte sa buhay ko dahil ipapanganak kong pinagpala ng diyos daw. Tangina tawa² pako non sabi ko pa "Ano ba yan auntie, 3rdyr palang ako bat naabot sa anak² hahaha" sabi nya wag ko daw tawanan dahil di sya nagbibiro. 2ndyr college nabuntis ako, baby girl, simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak hindi ako nakaranas ng paghihirap physically and financially. Parang napakabilis ng lahat. Eto pa, iba sana ang pangalan ng anak ko na pinaghandaan na namin for months, pero nong magfifill up na kami ng live birth, Miracle Eunique naisulat ko pati daddy at hubby ko nagtaka bakit. Ewan ko din, para akong tulog non. Lumaki ang baby kong hindi ako nakagastos ng pera dahil sa sakit 😭 kaya napupunta lahat ng pera namin sa pagpapasaya sa kanya dahil walang gamot, o ano. Hindi mapili sa kahit ano, mabait, masunurin jusq eto ang totoong swerte almost 6yrs na baby girl ko and swerte padin ako sa kanya. From Cebu kami, now andito na kami sa Samar. May manghihilot dito na sobrang tanda na taga hilot ng pamilya namin pero first time namin mameet, nagpahilot din ako, tapos nakita nya palad ng baby ko para syang nashock. tapos sabi namin ng auntie at mga pinsan ko, "Anong problema lolo?" Sabi nya, "Oy daw, ingatan mo si Eunique." tapos nidouble check nya pa yung palad. "Napakagandang palad. Ang swerte. Maswerte ka dito. At napakaswerte din netong anak mo. Ang ganda² ng palad nya ngayon lang ako nakakita neto" nagjoke ako sabi ko, "Bakit lolo, makakapag asawa ba ng foreigner at maswerte?" Hahaha sabi nya "Hindi. Hindi foreigner magiging asawa ng anak mo, pinoy lang. At kung magkakaapo ka sa kanya, PUSTAHAN TAYO DALAWA LANG YAN. Pag nagkaapo ka na buhay pako, balikan mo ko, kaltukan mo ako kung mali ako pero sinisigurado ko sayo dalawa lang anak nya. Napakaswerte nya sa magiging larangan nya kaya alagaan mo" Until now di pa din ako makapaniwala at questionable pa din saken, dahil isang maghuhula at itong manghihilot na tinatawag na "tambalan" saamin na ang nakapagsabi nyan. 😁 May 2nd baby na kami now dahil buntis ako, wala pakong tyan nakita nya na buntis ako tapos pag pumupunta sya rito inoorasyonan nya ko para laging ok baby ko. sabi nya 6 or 7months pa malalaman nya gender, pero nong hinawakan nya pulso and ring finger ko, nashock sya kasi napakalakas daw na baby girl. Dalawa na girls ko, nakakaexcite. 😁
Magbasa pa



