Walang gana kumain toddler

Nasstress na ko isang buwan ng walang gana kumain anak ko. Pinag heraclene na sya ng doctor tapos may vitamins na din ayaw pa kumain kakastress na hay. Kailangan nya maggain ng weight kasi 8kgs lang sya 1 1/2 yr old na sya. Naging sakitin kasi sya kaya mababa timbang nya. Dati kahit ano ihanda ko sakanya kinakain naman nya. Breastfeeding kami. Pinagformula na sya din pero tinitikman nya lang. Tinry ko na mag sabay kami kumain walang gadget kahit naglalaro , dati manunuod lang sya makakain na, ngayon kahit manuod ayaw. Di ko na alam gagawin.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ba sya nag ngingipin mi? Ganyan kasi si LO ko nung may natubong ngipin sya, bigla ayaw kumain Naiistress din ako nun. Pero tyaga lang mi sa ngayon bumalik na ulit ang lakas sa pagkain ng LO ko.

1y ago

chineck ko mii may patubo nga na ngipin tatlo 😢 gano katagal nawalan ng gana anak mo? worried ako kasi need ko pa pataasin timbang ni LO ko.