Hirap kumain
Mga mommies help nyo naman ako yung anak ko kasi pahirapan pakainin ayaw nya talagang kumain niluluwa nya huhu , kulang na sya sa timbang sabi ni doc , kaya niresetahan sya bagong vitamins , baka may iba din kaung idea para lumakas kumain si baby . 1 year old and 2 month palang sya ..
Lagi po kayo maglagay ng food/fruits sa table o kahit saan na makikita nya. Wag lang po yung every meal time. Offer food po kahit maya’t maya. Tsaka dapat po may variety para may choices po sya. Mas okay po if colourful para mas maenganyo sya kumain. Sa umpisa po talaga mahirap kase possible may di sya magustuhan na lasa pero dadating po yung time na maeenjoy na din po nya kumain. Ginagawa ko.. inisslice ko yung apple parang fries tapos sinasabe ko kay baby.. kain kame apple fries. Naeenjoy naman po nya lalo if sya mismo magsusubo. Pagdating sa rice.. ang hirap din.. pero sabe naman ng pedia mas madame dapat ang veges kaya pag ayaw nya ng rice kahit more on veges na lang po kame. Kinakain naman nya.
Magbasa pa