nasstress na ako sobra sa kapatid kong lalaki. mas matanda ako sa kanya, may anak na sya 5 taon na lalaki din. hindi nya madisiplina ng maayos, parang babae yung bata tili ng tili tapos kapag pinapagalitan naman para itama yung mali nya umiiyak ng ngalngal.
yung nanay nung bata hiwalay sila ng kapatid ko, sk kagawad. nakikita namin na active sa sk pero sa pag aalaga ng anak walang maitulong. asa samin lahat. imbis na sya nag gagabay sa anak nya kung ano ano pa ang inuuna. pag andito naman yung nanay nung bata hindi nya din mapatahan yung anak nya, hinahayaan lang nila umiyak.
hindi ko kasi maintindihan kung pano sila magdisiplina ng anak nila, hindi na kasi nagbago. napansin namin na imbis na mabawasan yung pag uugali nung bata lalo lang lumala.
ang hirap din kasi pagsabihan ng kapatid ko, baka masamain nya ang unhealthy na din kasi nung pag uugali ng bata baka pag hindi naitama hanggat maaga mas maging malala pa pag lumaki sya.
hindi na din po pala kami nirerespeto nung bata, may pagkakataon na pag pinagsasabihan namin ang sinasabi samin susuntukin kita.
pa-advice naman po ano po ba dapat na gawin ko, tita lang naman po ako nung bata pero naaawa din kasi ako.