What Should I Do?

Nasabi na namin sa parents ko na buntis ako, at natanggap naman nila dahil nakagraduate na naman daw ako tas kilalang kilala naman nila bf ko. Ngayon ang problema ko na lang ay saan ba dapat ako mag stay? Dito ba sa bahay o sa side ng bf ko? Yung parents ng bf ko ay parehong nasa korea at gusto din nila na mag sama na kami ng bf ko, pero kasama namin ang kapatid nya na 17 years old at katulong nila. Wala din sinabi sila papa kung saan ba dapat ako mag stay pero tinatanong ni papa kung ano plano ng bf ang sabi ni bf ay lalaki sya at dapat dala nya ako sakanila, ang sabi naman ni papa tama naman daw yon pero nahihiya naman ako umalis dito, ngayon ay nandito ako sa bahay at nahihiya ako kumilos dito dahil kakasabi pa lang namin kanina na buntis ako. Nahihiya din ako na sila pa ang bibili ng mga needs ko kasi hindi naman agad nakakapunta dito si bf dahil may mga nanghaharang na checkpoint. Pero kung ayaw ng parents ko na dito ako mag stay edi sana sinabi na na umalis ako dito, nahihiya ako sakanila. Ano ba ang dapat kong gawin?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ndi knmn nila paaalisin ksi parents mo sila kumbaga mas gusto kpa din nla ksma at alagaan habng nagbubuntis ka hanggang sa panganganak mo. Its u and ur bf choice kng san ka titira. Pero mas mgnda sa titirhan mo lalo na first tym mom ka dpt may ksma ka matatanda ksi mhrap mag alaga ng baby lalo na first tym mo ng wla ka alm. Arleast may kpalitan ka din sa pag aalaga sa baby mo plus may magtuturo din sau ng dpt gawin. I am a teenage mom b4. At first ndi din aq umalis ng bhy nmn pumupunta punta lng aq sa bhy nla ksi plano ng family ko na don aq tumira sa bhy nmn and after ko manganak mag aral mna daw aq uli. Pero c husband lgi aq knakausap na sna don nq tumira sknla pti mother nya. Tpos everytime lalabas aq ng bhy un mga kapit bhay nmn lgi nkatingin skn since un nga maaga ksi aq nabuntis. Kya naisip ko na don nlng aq tumira sa bhy ng husband ko (kht na nagusap na kmi ng parents ko nun makulit ksi tlg aq. Ndi na din nla aq pinigilan basta ang gusto lng nla after ko manganak mag aaral uli aq). kaung dlawa magdecide and kng mggng ok din nmn sa parents mo nsa inyo na un.

Magbasa pa

Hi! Ako rin nabuntis out of wedlock although 5 years naman na kami ng bf ko and working na kami pareho. Medyo nagalit father ko nun kasi conservative sya pero natanggap naman niya eventually. Ngayon, dito ako naka-stay sa bahay ng bf ko kasi mas importante sakin na magkasama kami kasi syempre anak namin to. Iba ang support ng parents sa support ng asawa mo. Oo mas comfortable sana sa bahay namin since di na makikisama and all pero syempre this is something na dapat naeexperience nyo together as future parents. Kailangan kasama mo partner mo sa pregnancy journey mo. Pero kung mas maaalagaan ka sa inyo, I suggest na isama mo nlng si bf sa bahay nyo if kasya naman kayo. Iba yung magkasama kayo kesa sa pa-update update ka lng sa kanya. Iba yung involved sya sa pag-aalaga sayo while pregnant. :) goodluck and have a safe pregnancy!

Magbasa pa

Mas maganda kung dun ka muna sa family mo, atleast alam nila kung ano yung mga dapat at di mo dapat gawin and mas matututukan ka nila lalo pa at buntis ka, mahirap magkasakit pag buntis sis kase maaapektuhan ang baby mo pag labas and sa panahon ngayon lalo na may covid bibihira lang ang mga ospital na tumatanggap ng pasyente. Mas better kung dyan kana lang sa inyo then sabihan mo nalang din parents mo na pag dating sa mga need mo and ng baby mo si hubby na bahala lalo na sa pagkain na masusustansya yun ang kelangan mo pati vitamins etc. Mga gamot para sayo habang buntis ka.

Magbasa pa
VIP Member

Para skin mas mabuti po na jan ka sa bahay nyo po.. Magulang mo sila.. At nanjan c mama mo may gagabay sau habang ngbubuntis ka.. Lalo na po kapag nanganak ka.. My tutulong sau mag alaga kay baby.. Kasi sa experience ko na malau ang mama ko at kami lng ng asawa ko at kasambahay namin.. Ang hirap po.. Ung nanga2pa ka plang f wat gagawin kay bay at watga bawal kasi FTM.

Magbasa pa

Kung ako sis, mas komportable ako sa bahay namin kasama parents at mga kapatid ko. Yun kasi ang comfort zone ko, lahat nagagawa ko kasi sarili namin bahay wala makikialam sa kilos ko. Mahirap pag nasa ibang bahay kasi feeling ko palagi may mga matang nakamasid sa mga ginagawa ko. Hindi din syempre maiwasan masisita at mapapakialaman pag sa kabilang side ka.

Magbasa pa

Sa tingin mo po ba, saan ka mas comfortable and maaalagaan, lalo na ngayong may ECQ? If aalis ka ba, magtatampo ba parents mo? Ano po ba plano nyo? Is your boyfriend responsible, kaya nya isupport lahat ng needs mo? Usually kasi you have to discuss that sa parents mo para aware sila sa mga mangyayari sa inyo.

Magbasa pa

Better na jan na muna kayo ng bf mo o ikaw sainyo para maguide kayo ng parents mo kesa dun kayo sa bahay ng bf mo wala masyado mag papayo sayo/sainyo.. pero syempre may plan na din dapat kayo ng bf mo tas kung kaya naman ng bf mo mag provide ng needs mo at ng baby mo no worries yun sis😊

Para sa akin dapat si bf ang mag aalaga sayo. Nevermind kung FTM ka at maraming ways para malaman kung ano dapat gagawin. You can always ask your mom thru call or text if may nararamdaman kang kakaiba eh. Mas magandang makasama mo si bf kasi journey niyo ito bilang future parents.

Kung saan ka comfortable at kung saan maalagaan kayo ni baby. Ako sis dito ako sabahay namin tapos ang set up before mag ECQ is parang bf/gf parin na bisibisita lang. Pero gusto ni bf na bukod kami para makastart but sabi kasi dito samin para may kasama at maalagaan pa kami

Para sakin sasama ako sa partner ko kasi kami naman gumawa neto so dapat siya ang mag alaga sakin hindi ang parents ko. Same situation din tayo kasama niya kapatid niya sa bahay pero naging okay naman lahat. Mas less stress pa.