sobrang pagkahilo

nasa robinson po ako kanina ng bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo tapos nagdilim po yung paningin ko. una binalewala ko lng po kasi akala ko d magtatagal pero grabe ang tagal pong magliwanag ulit yung paningin ko kaya kahit kami na po yung next sa counter sinabi ko po sa mister ko na parang mahihimatay ako so ayun po nataranta sya then hanggang paglabas nmin ng robinson nag didilim parin paningin ko tapos unti unti ng lumiliwanag paningin ko. normal lng po kaya ito? may nakaranas na po ba sa inyo nito? mag 14weeks pregnant na po ako. TIA. Godbless us.

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako din kahapon pa ko sobrang nahihilo pero di naman nagdidilim paningin ko wala lang akong lakas gumalaw may vertigo naman kasi ako kaya pinag rest ako ni ob punta ka kay ob sabihin mo yung nangyari sayo.

VIP Member

Ganyan din ako sis dati. Baka low blood ka nga din. Bigla bigla na lang ako mag gaganyan lalo kapag naiinitan. Masusuka pa ko nyan para maging okay. Pag ganyan kailangan mo magpahangin o magpalamig.

VIP Member

Nangyari din po sakin yan before sa church..bglang dumilim nlang paningin ko at prang d ako makahinga kya sinabi ko sa asawa ko agad..normal po yan..pro pa check ka rin po sa ob mo

VIP Member

Yes dalas ko naranasan yan oag nagpupunta palengke nandidilim paningin nahihirapan huminga. Kaya kahit dipa kami tapos mamili nag aaya nako magpauwi kesa don ako matumba.

Ganyan din ako sis before anemic kasi ako kaya nakakaramdam ako ng ganyan na parang naduduwal ka tapos mabibingi ka saglit magdidilim pningin mo kailngan umopo ka agad.

Ganyan po ako ngayon nahihilo na nasusuka😢 nasa school pa naman ako ngayon 14weeks preg. tas grabe yung pawis ko ang sakit ng ulo ko, ano po bang pwedeng gawin😷

VIP Member

Nangyari dn sakin yan. Sa simbahan naman. Palm sunday yun. Hilong hilo ako nanlalamig pawis tapos nagdilim na paningin ko nahimatay nako

Ganyan ako.. mababa ang rbc ko pag alam ko na mahihilo ako nahinto ako sa pag lalakad at umuupo saglit then ilang minuto ok na ulet

Nangyari sakin yan twice sa palengke. Kala ko magbblack out na tlaga ako, hndi ko na makita yung mga tao hehehe.

VIP Member

depende mommy baka sa bp mo or sa sobrang init ng panahon ngyn.ugaliing mgdala at uminom ng tubig.

Related Articles