Nasa first trimester palang ako and I'm worried lang kase sa dinami dami ng pwedeng paglihian bakit coke pa? yung tipong di ko talaga mapigilan sarili ko, kahit madaling araw hinahanap hanap ko at uhaw na uhaw ako. Kahit sa pagising ko sa umaga imbis na gatas, gusto ko na dumiretso sa coke pero di ko naman ginagawa. Yung ibang softdrinks naman nasusuka ako kase may after taste para sa akin, coke lang talaga yung gusto ko. Kaya naisip ko baka pinaglihian ko ang coke kase di naman ako pala sofdrinks nung di pa ako buntis. Buti ngayon di ko na masyadong hinahanap, tubig na malamig nalang iniinom ko. Pero nung mga nakaraang araw, sguro mga 1 1/2 month more than one bottle sa coke na small yung naiinom ko sa isang araw.
-May epekto po ba yun sa baby ko? napa-paranoid na kase ako e. Salamat po.