Paranoid
Nararanasan nyo rin po ba na maparanoid kasi kung ano ano ang pumapasok sa isip nyo? Kung ok lang ba si baby sa tyan nyo? Kung wala bang problema sa development nya? At kung ano ano pa. Parang gusto ko tuloy araw araw akong nasa clinic para macheck kung safe ba sya. Ang hirap ng first time mom. ???

Ganyan din ako noon. Ganyan talaga siguro dillema ng lahat ng FTM eh. Dati iniisip ko kase mag 2 mos na tyan ko di ko alam na buntis ako nag iinom pa ako. Iniisip ko nun baka may abnormalities si baby pag labas. Hehe awa nman ni God so far so good din. Going 6mos na sya at di sya sakitin. One time pa lang din sya sinipon. Nilalagnat lang din sa loob ng 24hrs kapag immunization nya. Napaka bibo at active din. Kaya tiwala lang Mommy at prayers. Okay lang yan si baby as long as iniinom nyo mga vitamins nyo.
Magbasa pa