Question lang po

Mga mommies ask ko lang minsan ba nararanasan nyo na minsan di masyado nagpaparamdam si baby ng isang buong araw?? :( Sakin kasi ngayon di ko sya maramdaman, nalulungkot tuloy ako ?

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naranasan ko sya mamsh nung isang araw, naiiyak na nga ko kasi kahit anong kausap ko sa knya di sya gumagalaw. Hindi kasi ako sanay kasi malikot sya lagi. Then kahapon kumain ako nung crema de leche ng inasal, malamig at matamis.. Ayun pra naman siyang nagdadabog haha.. tadyak na ata ung ginagawa niya hindi sipa lang haha.. taz hngang gabi na siyang naglilikot hngang madaling araw..

Magbasa pa
VIP Member

Gumagalaw po iyan d nyo lang masyado nararamdaman kc iba iba po ang galaw ni baby pag ganyan ngaalala kau kayo na po gumawa ng way qmain kau or uminom ng hot milk or qmain ng chocolates matakot na po kau if 2 days d na tlga gumalaw pero sa isang araw normal nlng po yan bka d nyo lang napapansin kausapin nyo po lagi😊🙏🏻

Magbasa pa

Oo nakakapraning haha. Kaya ginagawa ko kinakausap ko ng kinakausap si baby sabihin ko galaw galaw sya.. tapos tapik tapik s tyan ko.. tas maya2 gagalaw naman sya. May time naman na super hyper nya sa buong araw. Siguro nagpapahinga rin sila kaya di masyado magalaw. Hehehe. Baka natutulog ksi pagod sa paglikot

Magbasa pa
5y ago

Same mamsh 😅 kumakain naman ako chocolate or malamig na tubig 😁

try mo po tapatan ny sound ang tyan mo... yun una ko ganyan din inaantay ko lagi,pero sobra healthy nya pag labas ang likot n nga e... yung pinagbubuntis ko ngayon lagi naman nagalaw, lagi ako naiihi,.

Gnyan din aq minsan sis Hindi sya active ginagawa ko hinahaplus ko sya umiinom aq Ng milk para magicing sya bka kc natutulog Lang sya or makining ka Ng soft music Yun nkakarelax

VIP Member

Yes.. Gumalaw lang sya parang bihira lang kaya ginagawa ko nakaen ako chocolate tsaka check ko kaagad ng doppler.. Panatag agad ako kapag narinig ko na heartbeat ni baby..

5y ago

Kelangan lang po ng gel kapag ginamit sya para smooth kapag hinanap ung heartbeat ni baby

Ilang weeks na po? Sa akin pag hindi ko po sya nararamdaman sa mga usual time na lagi syang malikot kinakausap ko po at nagpapa. music.

Gamit ka po kick counter sa app. Eto po basahin nyo rin po https://ph.theasianparent.com/normal-na-pag-galaw-ni-baby-sa-tiyan

VIP Member

Sakin pag di siya nagpaparamdam. Punta ako agad sa clinic para paultrasound. Just to be sure.

VIP Member

Ilang month na po ba? May mga food po kayo na pwdeng kainin para maging mas "malikot" siya.