8 Replies

Kaya mo yan mommy... Tayo ang lakas ng mga anak natin. Di ba parte ng pagiging magulang lalo na ang mga nanay ang pagiging Selfless? Lalo na pag may chance na tayo mag Me Time pero hindi pa rin natin magawa dahil mas uunahin pa natin isipin mga anak natin.. Alam mo ba mii diagnosed with ASD Gdd panganay ko at gumuho ang mundo ko bilang nanay.. Gumuho ang mundo namin ng asawa ko.. Ang sabi ko sa hubby ko panu na anak namin anu nalang sasabihin ng iba bakit nagkaganon siya? Ang sabi ng hubby ko.. "masyado maiksi ang buhay para isipin pa natin ang iisipin ng iba. Ang kelangan natin palakihin ng maayos ang anak natin hanggang sa dulo ng buhay natin". Mahal na mahal ko ang anak ko to the point na gusto ko na din magpakamatay nun dahil araw2x ako umiiyak di ko matanggap ang napakagwapo kong anak di lalaki tulad ng pinapangarap ko para sakanya. Pero nagdasal ako.. At naisip ko papaano nalang kung mawala ako mas lalo magiging miserable ang buhay niya lalo na kung iba ang mag aalaga sakanya at wala gagabay na ina.. Inayos ko ang sarili ko.. Nagpa Psychiatrist ako at nadiagnosed with Depression and Anxiety.. 4years ago yun.. At 7 years old na anak ko ngayon.. Oo special siya at tulong kami mag asawa at ng nanay ko sa pag aalaga sakanya since nagkaron pa ko ng isa pang baby.. Sa wakas dalawa na anak namin ng asawa ko.. Eto pangarap ko mommy ang balang araw pag nawala na kami mag asawa may makakasama na ang kuya namin.. Wag ka mawalan ng pag asa mommy.. Tayo mga magulang ang dapat malakas para sa mga anak natin.. Di man tayo perpekto dahil wala naman perpekto.. Mahalaga mapakita natin sa mga anak natin na mahal natin sila at maging problematic man ang mundo hinding hindi natin sila iiwan.. Pagdasal natin na mabuhay tayo ng matagal pa para makasama pa natin sila hanggang sa kaya na din nila mabuhay ng sarili nila.. Mommy kaya mo yan🙏 magpray ka at wala naman masama humingi ng tulong paconsult ka.. At asan ngapala ang asawa mo mommy? Godblessyou

Hi momsh, it is really good for you to have yourself checked by a psychiatrist. Thoughts of deaths/suicide attempts or hurting others is one of the signs that you are having episodes of depression po. Please for the mean time, kapag po sa tingin mo punong-puno ka na iwan mo lang saglit si baby for like 3-5mins. Layo ka muna, mag breathing exercise ka, inom water at kumalma. this will prevent you po na masaktan si baby or yung sarili mo. kapag may free time kayo ni baby, Go out for a date. A walk in a park, a play date maybe or visit a friend. it is really important that once in a while you go out to unwind. another thing is, talk to someone you really trust. your partner, your bestfriend or anyone in the family. Let them know whats happening. Magkwento ka lang, mag rant ka lang pag kailangan mo, for sure makikinig sila at gagaan po pakiramdam mo. kung may mapag iiwanan ka rin ng anak mo po kahit minsan lang.. kahit 30-60mins lang... jogging or walking alone nakakatulong na marelax ka.

For your baby's condition naman po. it is okay for you to worry about his/her development. But please take note also that every child is different. do not pressure yourself, you are doing great.

Mommy wag ka pong magisip ng hindi maganda lalo na ang pagkakamatay base sa kwento mo ay dependent sayo ang anak mo, ikaw ang nagbibigay saya at kulay sa buhay niya so mas piliin mong mabuhay kasama sya. Para sa akin malaking tulong ang support ng other family members pra hindi sobrang bigat para sayo. Sa edad ng anak mo talagang nakakapagod pero isipin mo para kanino ka ba nabubuhay? Wala naman masamang maging ftm, pangarap ko nga yan e pero need kong magwork. Ienjoy mo lang ang bawat sandali na kasama siya, wag mong isiping mahirap, wag mong isiping nakakapagod, isipin mo na ang anak naten ang rason kaya tayo nabubuhay tska sila ang pinakatotoong nagmamahal sa aten kahit ano pang hitsura naten o ugali. Sana ay lagi kang magpalakas mommy isipin mo may kanya kanya tayong laban sa buhay, ung pagiging full time mom ay pangarap yan ng marami. Godbless😊🙏

I think momsh you should seek professional help na talaga. its either post partum parin yan or anything.. mahirap labanan ang isip natin.. its better na may mapagsabihan ka ng nararamdaman mo.. nevermind yung mga nagsasabi ng nega about your situation kaso ang hirap talaga maging ina. try ko relax, take a deep breath.. it helps para makalma ka. sometimes talaga pag dun mahirap dun talaga tayo nati.trigger pero come to think of it your strong parin kasi kaya mo naman talaga alagaan ang anak mo, naiisip mo well being nya.. Laban lang momsh, always pray din, maghanap ng kausap at seek for professional help. Godbless. Be strong🙏

magdasal ka lang mommy. nasaan ba asawa mo bkit ka nag iisa at ang dating e sken e pasan mo ang daigdig. seek professional help. iba pag my ganyang tendency e. kawawa ung anak mo pag nagpa lamon ka ng buo sa depression mo. reflect, pray and ask for wisdom and for sure mallagpasan mo yan. maghanap ka ng mkka usap, a friend, a family member or even a doctor who can give you best advise. magpa galing ka for you and your baby.

VIP Member

Have you every considered seeking advice or help to a psychiatrist? I do have anxiety disorder and panic attacks, and being a ftm is really hard lalo na sa part naten na career woman na you have to let go of your career kasi you have to monitor your little one. Seeking advice and help sa mga professionals is a good choice for me. And of course with the help of my hubby and my family as well.

Hi Mommy appreciate your comment. hindi pa po but I am planning to na mag seek na ng professional help . mayron po ba kayong recommendation? 🥺

Tingin ko mommy dumadanas ka ng post partum depression. Laban lang and maybe you can hire magbabantay kay baby kahit once a week lng so makapag me time ka makapag ikot ikot sa labas etc

Hello mami mag pray kalang Hindi ka bibigyan ni God ng problema kung hindi mo kaya lhat tayo may problema ang kelangan natin isa lampasan to sending hugs ka mamshie

maraming salamat po, Mommy. 🥺

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles