Napapagod nako mga momshie. Sumasama na lagay ng katawan ko. Bumibigat na. Na para bang anytime babagsak nako at magkakasakit. Ang hirap ng walang kaagapay. Mag 2 mos na si baby ko. Pero this month grabe ang pagod ko. Si hubby kasi may work home based work. Pero gawa ko lahat. Alaga, linis, puyat minsan nakakapag luto minsan hindi. Sa isang araw 4-5 hrs lang ang tulog ko. Swerte ng maka 7hrs ako pero dpa nangyayari. 1 week mahigit nakong straight na ganyan. Tas minsan nalilipasan ng gutom. Hindi ko na maiwan si baby kasi madalas na syang gsiing sa araw eh. Multi task kung multi tasking na ginagawa ko grabe. Tapos dinudugo pako ngayon. Dko alam kung nireregla nba ako o sa tahi ko kasi 2x palang kami nag do ulit ni hubby eh. Kaya ang bigat talaga ng pakiramdam ko as in. Hindi ko alam kung hanggang saan itatagal ng katawan ko ung ganito. Kasi parang kakailanganin ko na muna ng pahinga. Pero si hubby kasi busy dahil rush ung work nya eh. Naiistorbo ko lang sya pag maliligo at kakain. Grabe naiiyak nako sobra. Malapit nko mabaliw. Tapos naambunan pako dalawang beses na. Lagi ng masakit ulo ko, mata ko, nanghihina nako. Kelangan ko na ng tulong. Pero wala naman ako mkakatulong. Kung sa gawaing bahay meron kahit paano kasi may kasambahay kami pero on call lang din. Jusmiyo, pinagdadasal ko nalang talaga na bigyan ako ng panginoon ng lakas at tulungan nila ako ni mama ko na nasa heaven na kayanin ko ito. Ang hirap ng wala na ung nanay mo sa tabi mo para tulungan at turuan ka mag alaga ng anak mo dko na marranasan un. Nkakalungkot. Winiwish ko din sana andto si mama ko para may nkaka agapay ako. Hindi biro tong pinasok namin ni hubby na bumukod. Kasi halos salo ko lahat ng pagod ? oo napapagod din si hubby sa work pero naddrained na ako ?