Is it normal for a toddler to suddenly stopped eating?

Napansin ko sa anak ko last few weeks ago na bigla siyang nag stop kumain. As in kahit ano ayaw. Dede lang ng dede. That time nakita ko na namamaga yung gums niya sa harap. (Yung sa pangil) Pati sa taas na part pero molar naman. Dahil nawala po siya ng gana kumain, her pedia recommend heraclene (dibencozide) for 2 weeks. Kaso lang, Walang naging epekto kaya pinacontinue until 3 months. Ngayon, wala parin akong nakikitang pagbabago. Mas lumakas lang siya dumede. Until kanina.. Yung spaghetti at ice cream kumain siya. kahit ayaw ko sana siya pakainin ng ganon dahil gusto ko talaga kanin. Pinakain ko dahil naawa ako at alam ko gutom na gutom siya dahil everyday halos buong isang araw di talag siya kakain. Masama ba ako sa part na yun? Alam ko kasi hindi healthy yung mga food na yun kaso no choice na ako. :( And last, nakakapag salita siya ng mama, papa, ate, balloon, blue pero yun palang. She's 1 year and 7 months. Nakakaapekto ba sa bata yung hindi pagkain sa pagsasalita?

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply