Napakamatampuhin ng anak ko , everytime na pinapagalitan ko siya at pinagsasabihan di na niya ako pinapansin pagkatapos . Ano kaya ang mabuting gawin para maiwasan na makaramdam siya ng ganon ?

Mommy normal na magtampo mga bata. Hayaan mo lang na hindi ka pansinin lalo na kung ang dahilan kung bat sila napagalitan ay dahil gumawa sila ng mali. Madali naman maka move on mga bata dahil mga bata pa sila. Ang dapat na itrain natin sa kanila is how to accept those kind of situations. Syempre mahirap sa kanila yun, kelangan lang na masanay sila na hindi natin pwede hayaan ang mga maling bagay na ginagawa nila and eventually masanay sila na hindi sumama ang loob pag pinapagalitan. Wag ka matakot kung nagtatampo sya because kahit anong mangyari love ka pa rin nya at nagiging mabuting ina ka lang sa kanya. Next time na magtampo sya after mo sya mapagsabihan, just give her/him space and time. Lalapit din yan at sya pa ang magsosorry because he/she realized that what he/she did was wrong. Maging consistent ka lang at magiging maayos ang pagpapalaki natin sa mga anak. Basta once na pinagalitan mo sila you have to explain the reason and the consequence/s. 😄💜
Magbasa pa