Nangyari na ba ito sa'yo?

Napagalitan ka na ba ng biyenan mo?

Nangyari na ba ito sa'yo?
829 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi pa ako napagalitan, pero madalas mapakialaman. Lahat ng kilos ko at mga ginagawa ko andaming nasasabi. Lalo pa sa pag-aalaga ko sa anak ko. Nakabukod naman kami ng asawa ko, pero madalas dumalaw yung mama niya kasi gusto makita ang apo. Ang sakit lang kasi alam kong pina-plastic nila ako. Kasi hindi sinasadyang nasabi ng isang family friend sa akin na ayaw sa akin ng mga magulang ng asawa ko, dalawang linggo bago kami ikasal. Sobrang sakit, hinayaan ko na lang, hindi naman sila ang makakasama ko sa buhay. Pero nung pinaramdam nila sa akin na hindi ako parte ng pamilya nila, parang dinurog yung puso ko. Sobra sobra ang sakit. Iniyak ko na lang.

Magbasa pa