Nangyari na ba ito sa'yo?

Napagalitan ka na ba ng biyenan mo?

Nangyari na ba ito sa'yo?
829 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi naman sa napagalitan ng personal pero napagsabihan, oo. May mga times na puro parinig pero mabunganga na talaga biyenan ko ever since. Laging asawa ko nabubungangaan pero halata ko naman minsan na para sakin yung iba 😂 so nag aadjust na lang ako, kahit pagod ginagawa ko mga gawaing bahay. Nasa 36th month na ako at nagwowork pa din. Di din maselan pagbubuntis ko kaya kaya ko tumulong talaga sa bahay kasi libre na yung pagstay ko eh magiging pabigat pa ba ako. Alam din naman nila na ako lahat sa gastusin nila mama sa bahay kaya di na ako pinapaamot ng biyenan ko. Asawa ko kasi only child at minimum wage worker. Nasanay din na mama niya gumagastos sa lahat kaya di niya maintindihan na nakakahiya sa part ko na nakikitira ako ng libre. Lagi niya sinasabi na okay lang, hayaan ko lang daw mama niya so ginagawa ko, naggogrocery na lang ako ng pandagdag ulam. Di pa naman ako marunong magluto kaya ang nagluluto talaga is si biyenan at asawa ko kaya nakakahiya talaga sa part ko kung di ako tutulong. Di naman maldita biyenan ko sakin, pala kuwento nga eh tska di din talaga ako mareklamo na tao. Pero gets ko yung sinasabi ng iba na talagang mas okay kung hiwalay kayo ng tinitirhan ng partner mo kasi hindi na sila priority dapat ng partner mo eh. Kayo na ng anak niyo. Eh hindi din naman kami makabukod kasi yung bahay nila nasa pangalan na ng partner ko. Alam ko naman mapapagalitan lang kami kasi hindi naman praktikal kung bubukod pa kami eh asawa ko naman may ari na nung bahay. Adjust adjust na lang talaga. Matatanda na din mga in-laws ko kaya iniintindi ko na lang din kung bakit di sila maiwan iwan ng asawa ko. Hopefully, kapag nakapasok na siya sa airforce eh matuto din mga in laws ko na di masyadong umasa sa kanya lagi.

Magbasa pa