829 Replies

yes , that time kasi nangungupahan pa kami, nanghihingi ng pera byenan ko sa asawa ko..that time gipit talaga kami kasi kakabayad lang namin sa upa at mga bills, maliit lang din sinasahod ng asawa ko, pero pag may sobra naman kami nagbibigay naman kami palagi sa kanila, that time kasi nagreply ang asawa ko sa txt na di muna sya makakapagbigay, medyo iritable din asawa ko nun kasi nga daming binayaran tapos nanghihingi pa nanay nya kaya medyo may tampo yung pagreply nya sa nanay nya..ang sabi nya, pag may pera naman kami nagbibigay naman kami sa inyo, ngayon intindihin nyo naman po kami kasi walang wala na talaga...after that, nagalit byenan ko, nagtxtback sya..puro masasama sinasabi nya..akala nya kasi ako yung nagttxt sa kanya, ang sabi nya wag daw ako papakita sa kanya kasi kakalbuhin daw nya ako..ang sama daw ng ugali ko..inagaw ko pa daw anak nya sa kanila..kung di ko daw nilandi anak nila dapat sa kanya daw nagbibigay ng pera anak nya...as in naiyak ako sa pinagsasabi nya..kasi di naman totoo na nilandi ko anak nya..umabot pa nga ng isang taon bago ko sinagot yung asawa ko..tapos 3 years muna kami nagjowa bago kami naglive in..lahat ng txt nya nabasa ng asawa ko..humingi naman ng sorry sakin yung asawa ko..tapos tinawagan nya nanay nya at sinabi nya na sya yung nagttxt at hindi ako..ayun simula nun di na kami nagkikibuan masyado ng nanay nya or kahit tatay nya..nag uusap lang kami pag tungkol sa mga apo nila..simula kasi talaga ng pagsasama namin ayaw na sakin ng inlaws ko..kasi iniisip nila inagaw ko anak nila sa kanila..ngayon andito kami sa bahay nila, samasama nalang kami kahit di ko gusto kasi doble ang gastusin namin pag nakabukod kami kasi kami din ang nagbabayad ng bills nila sa bahay kahit nakabukod kami..kaya no choice, asawa ko lang kasi inaasahan nila kasi panganay nila yung asawa ko..ang dami kong hinanakit pero pinapahaba ko na lamang yung pasensya ko...kasi never ako mananalo sa kanila kahit pa wala naman akong ginagawang masama sa kanila..never namin sila pinagdamutan..kahit mag aapat na mga anak namin tuloy pa rin ang pagtulong namin sa kanila..siguro kung sa iba masyado daw akong mabait...kami daw ng mga anak ko ang kawawa kasi yung budget sana namin ng mga anak ko, nahahati hati pa para lang may maibigay ang asawa ko sa nanay nya..bukod sa binibigay, kami pa ang nagbubudget sa pagkain..ang hirap pero nagtitiis nalang ako kasi ayoko ng gulo..gustuhin ko man na bumukod kami, ganun pa rin ang mangyayari, kada sahod ng asawa ko laging may allowance nanay nya..hindi pwedeng wala kasi ako yung inaaway nya..sinusulsulan ko daw asawa ko na wag magbigay..,😔

VIP Member

Hindi naman sa napagalitan ng personal pero napagsabihan, oo. May mga times na puro parinig pero mabunganga na talaga biyenan ko ever since. Laging asawa ko nabubungangaan pero halata ko naman minsan na para sakin yung iba 😂 so nag aadjust na lang ako, kahit pagod ginagawa ko mga gawaing bahay. Nasa 36th month na ako at nagwowork pa din. Di din maselan pagbubuntis ko kaya kaya ko tumulong talaga sa bahay kasi libre na yung pagstay ko eh magiging pabigat pa ba ako. Alam din naman nila na ako lahat sa gastusin nila mama sa bahay kaya di na ako pinapaamot ng biyenan ko. Asawa ko kasi only child at minimum wage worker. Nasanay din na mama niya gumagastos sa lahat kaya di niya maintindihan na nakakahiya sa part ko na nakikitira ako ng libre. Lagi niya sinasabi na okay lang, hayaan ko lang daw mama niya so ginagawa ko, naggogrocery na lang ako ng pandagdag ulam. Di pa naman ako marunong magluto kaya ang nagluluto talaga is si biyenan at asawa ko kaya nakakahiya talaga sa part ko kung di ako tutulong. Di naman maldita biyenan ko sakin, pala kuwento nga eh tska di din talaga ako mareklamo na tao. Pero gets ko yung sinasabi ng iba na talagang mas okay kung hiwalay kayo ng tinitirhan ng partner mo kasi hindi na sila priority dapat ng partner mo eh. Kayo na ng anak niyo. Eh hindi din naman kami makabukod kasi yung bahay nila nasa pangalan na ng partner ko. Alam ko naman mapapagalitan lang kami kasi hindi naman praktikal kung bubukod pa kami eh asawa ko naman may ari na nung bahay. Adjust adjust na lang talaga. Matatanda na din mga in-laws ko kaya iniintindi ko na lang din kung bakit di sila maiwan iwan ng asawa ko. Hopefully, kapag nakapasok na siya sa airforce eh matuto din mga in laws ko na di masyadong umasa sa kanya lagi.

Always kahit wala ka nman ginagawang Mali maiinit lagi ulo s kin ng byanan kong lalaki andon yun ngppasaring.. kaht buntis ako pinagsasalitaan p rin nya ako ng sobrang nakksakit s damdamin below the belt always ako stress s knya.. Umiiyak n lng ako pg di ko mapigil sama ng loob ko.. Sobra sobra nya ako laiitin.. I'll do everything nman house hold, prang caregiver n rin sa stroke n mother in law ko sa aming nkaka tulong nman ako kht buntis ng xtra work pa din.. Pra kang walang silbi at pakiramdam Sa aming tatlong mga napangasawa ng mga ank nla Ako ang mas pinakawawa Sinisiraan pa nya ako sa iba sinasabihang tamad walang galang bastos demonyo etch... d lng nya alm mas ako pa ang nkakapgbigay sa anak nila s twing walang kita s pmmsada at marami ng pgtitiis s panloloko at panggamit ng mother in law ko s kin noon😒😢peo dasal n lng ang lagi ko sumbongan.. My mother nman d nya ako kina kausap same sila ugali ng mga in laws ko 😢but I know nkikita at naririnig no Lord lhat ng ngyyari mga daing at hinanakit ko... Sya na bhala s knila

Pansin ko sa mga comments halos parepareho ang pinagdadaanan sa mga byenan ibig sabihen nakagawian na talaga sa pagiging byenan ang naging Kontrabida at Plastic sa mga magiging manugang nila? siguro mawawala lang tong ganito kung tayo mga new mother ay d na gayahin ang napagdaanan natin sa mga byenan natin para naman mawala ang ganitong pinoproblema ng mga manugang hehe, buti nalang ako mabait ung byenan ko kc naaabutan namin lagi, pero sa iba niyang manugang ay marami rin siyang issue na sinusumbong sa akin kaya sabi ko paano nalang pag wala kaming maabot! or baka hinde ko lang din alam na may issue din siya sa akin na hinde ko nalang nalalaman pero wala nako Paki kc alam ko naman na Mabait ako sa kanila.

haha oonga mii, pansin ko din.

Yes ,Lahat ng kilos ko Mali man oh tama Pinapakialaman niya Ultimo kakainin ko basta lahat ng Gagawin kakainin papakialaman niya Pati Sa Relasyon namin ng anak niya pinapakialaman niya kaya stressed akong nagbuntis dahil sakanya kay Mr. na nga lang ako nag oopen pinagsasabihan naman niya but ganun at ganun padin hindi ko nalang pinapansin kase feeling ko pag pinapansin namin lalo na lang siyang ganun ,,,ganun siya sa lahat ng asawa ng anak nila even ung Asawa niya ung iba chinichismis nila kaya ampanget nung tingen nng iba sakanila ako lang bukod tangi ang hindi nila ichinismis lagi lang nila akong pinaguusapan ng fav niyang anak subukan lang nila ,hindi din kami humihingi ng tulong sakanila kase lahat ng tulong nila niyayabang at sinusumbat nila kwento yan ng mga bilas ko hehe pinalad nga po ako sa asawa dahil sobrang bait malas naman ako sa biyenan huhu😭

well, oo madaming beses na akong napagalitan .. pinaparinggan.. at minsan ichichismis pa.. wala naman akong magawa kase nakikitira kami sa ngayon sa bahay nila... ang dami ko nang attempt na bumalik sa hometown ko pero wala eh sumiko na rin ako ... may maraming beses na feeling ki they are telling me what to do .. feeling ko para akong bata na kailangan bigyan ng direksyon .. grabe yung anxiety at depression na nararanasan ko ... kahit satili kong asawa fi ako maintindihan .. sa sobrang misunderstanding namin .. di ko na lang pinagtatanggol sarili ko .. sani ng nanay ko ipaglaban ko naman daw sarili ko pero .. pag sinusubukan ko kinakain ako ng sarili kong anxiety.. kinakaya ko na lang lahat para sa baby ko at iniisip ko na isang araw makakaalis din ako dito at magkakaroon kami ng sariling bahay

pag nagaaway lng kmi mag asawa pero wala akong masabi sa kanila kase halos lahat sakanila kahit na pagkain namin buong pamilya sakanila. ang kinaiinis ko lng pag nag aaway kmi feeling ko ako lagi sinisisi nila at walang ginawang kinainis o ikinagalit ko ang anak nila. di man sila madalas mag salita pero iba sila Kung tumingin at sila sila pinaguusapan ka behind my back. magtatatlo na anak namin pero ung asawa ko di kayang tumayo sa sarililng paa. at halos naman lahat sila naka sandal parin sa mga magulang nila. 8 sila magkakapatid at 7 sila na kasama ko sa iisang bahay pero kmi may sariling bahay lng sa tapat nila .Kaya lahat ng galaw ko nakikita nila. di naman ako tamad na tao pero gusto nila pati bahay nila maglinis din ako which is OK lng ksi pumupunta mga anak ko sa bahay nila 😊

Yes. at ichinichismis pa ako pero mabaet pag kaharap ko hahahaha. sinusulsulan pa asawa ko na kesyo wag na daw kami bumukod at don na lang kamj tumira sa bahay nila (para may mahuthutan sya) kesa daw mangupahan. Mejo napaisip ako sa idea na yun kasi kung makahingi sya para din kaming nangungupahan na installment eh! hahahaha. Lahat issue sa ka nya, hilig nya mag loan tapos sa mga anak esp. sa asawa ko manghihingi ng panghulog. Nung isa pa lang baby namin hinahayaan ko dhil nakakapagwork na ako Pero ngaun magdadalawa na, hindi ko alam baka masagot na din talaga byenan ko hahahaha. Chinichismis ako pag nd sya nabbgyan ng asawa ko e na kesyo sakin lang daw napupunta pera ng anak nya, eh malamang asawa ko yun eh! Sana inasawa na lang din nya anak nya hahahahahaha

Hindi dahil sobrang bait ng biyenan ko especially yung babae...ngayong buntis ako siya na halos gumawa lahat ng gawaing bahay...luto...laba..linis ng bahay...pati pagkain ko pinaglulutuan pa ako ng gusto kong ulam.Nahihiya na nga ako at wala na ako halos ginagawa.Ayaw din naman ako pakilusin ng asawa ako dahil super ingat kami sa pagbubuntis ko na naiintindihan naman ng biyenan ko.Tinutupi ko na lang minsan mga nilabhan niya kapag natuyo..o kaya minsan naghuhugas ako plato pero madalas biyenan ko din na lalaki gumagawa.Kaya sobrang swerte ko sa biyenan ko.Although minsan napagsabihan ako tungkol sa pagligo ko ng hapon..dapat daw kasi umaga ako maligo..other than that wala na.Kahit mga damit kong pambuntis siya din nagproprovide😊😊😊

Ako naman po yung byenan ko mabait.. namatay po siya september 2021.. magaganda naman po yung mga sinasabi niya sakin .. yun nga lang po pagdating po sa family ko gusto niya kalimutan ko family ko kasi nag asawa na daw ako.. well naiintindihan ko naman si nanay doon . di naman ako nagtanim ng sama ng loob. ang umaaway talaga sakin yung bunsong kapatid ng asawa ko.. nasa 30s na siya . at ako nasa 20s palang . matandang dalaga yun . sinasabihan akong mas tamad pa sa asawa ko .. at ayaw daw niya nakikita yung pamilya ko.. nagdecide nalang kami na tumira sa tindahan namin ng asawa ko. iniwan namin siya mag isa sa bahay . kahit malaki yung bahay kung ganon naman ugali ng hipag mo tatarayan ka buong magdamag. mapapaalis ka talaga ng di oras.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles