Birth Story: Late Preemie
Napaaga ng arrival si baby Math. From October 5 EDD, lumabas na sya agad ng August 23 at 6:39 pm. May bleeding ako ng August 22 at 1pm, tas nakaramdam na ako ng paghilab ng tiyan. Nagpa-check-up kami pero ipahinga ko lang daw sabi sa lying in. Pero magdamag na syang sumakit, hindi na ako nakatulog. Kasi nagcocontract sya every 5 mins. Morning ng August 23, balik kami sa Lying-in, in-IE ako pero sarado pa ang cervix. Pinag-stay lang ako sa clinic kasi hilab pa din ng hilab. Pinaghihintay ako hanggang 6pm kasi naghahanap daw ng gamot pampatigil ng hilab. Kaso tumitindi na yung sakit at wala silang mabilhan nung gamot. Pag-IE sakin ng mga 6pm, surprise! 8 cm na agad. At 6:39 pm, the baby is out! Dalawang bonggang iri lang.. Hehe Buti nalang at healthy naman si baby. Pero normal daw sa preemies na may blood infection, meron nga si baby. But his lungs are fully developed naman na. Kaya di na kailangang iincubate si baby. 1 week shots nalang para sa infection nya. 2.5 kilos lang si baby. 33w 6d lang sya pero yung laki nya ay pang 36 weeks naman na daw. Sabi baka nagkamali daw ako ng bilang pero sure ako sa LMP ko kasi may period tracker ako. At match yung LMP ko sa ultrasound. Total expenses sa panganganak including meds ay 13,150. Hindi ko nagamit ang Philhealth kasi premature si baby. Ganun pala yun. 24 hours lang kami sa lying in tapos nakauwi na din kami agad. #1stimemom #firstbaby
Preggers