Birth Story: Late Preemie

Napaaga ng arrival si baby Math. From October 5 EDD, lumabas na sya agad ng August 23 at 6:39 pm. May bleeding ako ng August 22 at 1pm, tas nakaramdam na ako ng paghilab ng tiyan. Nagpa-check-up kami pero ipahinga ko lang daw sabi sa lying in. Pero magdamag na syang sumakit, hindi na ako nakatulog. Kasi nagcocontract sya every 5 mins. Morning ng August 23, balik kami sa Lying-in, in-IE ako pero sarado pa ang cervix. Pinag-stay lang ako sa clinic kasi hilab pa din ng hilab. Pinaghihintay ako hanggang 6pm kasi naghahanap daw ng gamot pampatigil ng hilab. Kaso tumitindi na yung sakit at wala silang mabilhan nung gamot. Pag-IE sakin ng mga 6pm, surprise! 8 cm na agad. At 6:39 pm, the baby is out! Dalawang bonggang iri lang.. Hehe Buti nalang at healthy naman si baby. Pero normal daw sa preemies na may blood infection, meron nga si baby. But his lungs are fully developed naman na. Kaya di na kailangang iincubate si baby. 1 week shots nalang para sa infection nya. 2.5 kilos lang si baby. 33w 6d lang sya pero yung laki nya ay pang 36 weeks naman na daw. Sabi baka nagkamali daw ako ng bilang pero sure ako sa LMP ko kasi may period tracker ako. At match yung LMP ko sa ultrasound. Total expenses sa panganganak including meds ay 13,150. Hindi ko nagamit ang Philhealth kasi premature si baby. Ganun pala yun. 24 hours lang kami sa lying in tapos nakauwi na din kami agad. #1stimemom #firstbaby

Birth Story: Late Preemie
60 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ung 1dt baby ko 33 weeks namn sya nun 2.1kl. and may blood infection (sepsis) and sabi healthy kaya after 3days pinlabas kmi ng hospital then after 17 days to be exact and napansin namin mamumutla si baby nun at hirao huminga so kami ng sis ter LIP ko sinugod agad sya sa clinic peri di sya tinanggap need na daw sya iospital then nung nasa ospital na kmi fastforward na notice na meron syang severe pneumonia and 8 times syang nirivive naintubate din sya 5 times or 6 times pinalotan ung tubo nya and thank god dahil napakasteong ng baby ko she'fine now and even na premature sya nagamit ko namn po ung philhealth ko share ko lng

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

buti naka-recover po agad si baby nyo mamsh. pano po maiwasan na magkapneumonia si baby? nagwo-worry din po ako dyan.. salamat po sa pag-share...

Congratulations 🤗pareho tayo momsie premature din baby q at halos same weeks ng sayo 2.6 lng timbang nya pero hahabol din yan pagdting nya ng isang bwan at biglang lusog na prang naihipan hahah.hindi aq naka experience ng paglabor kasi yung sakin pumutok agad panubigan q 2cm pa lng aq nagdecide na c doc na iCS aq and about philhealth nagamit q nman sya sa akin at sa baby kahit premature.

Magbasa pa
4y ago

Kung ganun protocol nila wala tayo magagawa kasi depende pa dn tlga yan sa mga doctor kasi may iba gsto makasiguro eh lalo pa ngayon may issue sa philhealth .goodluck mommy

Super Mum

Thanks God at hindi na incubate c baby mommy.. pero pg FTM oks lang nmn maearly or madelay ng 2weeks from the date of your delivery but still c baby mo is npaaga tlga ung labas nya. Anyway praying for your baby mommy na mging okey na tlga ung health nya at mawala na ung infection nya..Godbless po😇

congrats po, ako den po nanganak nung aug.16 sa first baby ko ang edd kopo is october 9 pa sa ngayon po nasa hospital pa si baby naka incubator sana makauwi napo baby ko😥, congrats po ulit ❤️ same birthday po kame ng baby nyo😊

4y ago

bukas po 34 weeks na sya and next week po sabi samin makakauwi na si baby, sobrang nagpapathankyou po ako kay lord at makakauwi na baby ko❤️😊

VIP Member

same here to my premie baby @33weeks 2.5 dn cya sked cs tlga ako pro mas napaaga labas nya, naincubate c baby ko nn ng 2weeks, thanks God 5mos.n cya ngaun.. mlakas ang baby natn, kyang kya.. heheh! 😊

Magbasa pa
4y ago

baket pala hindi nagamit philhealth mu? ako kasi nagamit ko naman cya..

VIP Member

same tayo edd mommy . currently at 34weeks dn ako ngayon pregnant with twins. hopefully ma full term hnd daw umaabot ng fullterm pag twins e.

Super Mum

Ang strong ni baby kahit preemie fully developed na ang lungs nya. 💛 Congratulations po mommy. Ang cute cute ni baby Math.

Super Mum

Aw cute ni baby, buti healthy pa rin si baby kahit napaaga ang paglabas 😊 hello Baby Math, congratulations po mommy! ❤😊

Hello, I'm just wondering bakit di nacredit ang philhealth? So pagpremature, hindi sagot ng philhealth?

4y ago

Lyig in din yung sakin eh pero pinaayos na sakin yubg philhealth q so it means tinatanggap tlga nila ang philhealth.may issue kasi sa philhealth ngayon kaya baka binago na rules..haaaist sayang yung sayo anyway bawi ka na lng sa sss maternity mommy.nagprocess aq kahapon pero drop lng muna ng mga papers tatawag na lng daw for schedule..

Edd mo october kapa manganganak diba sis? buti lumabas na si baby ng august? ftm din kasi ako 34weeks na exactly .

4y ago

healthy yan si baby nyo mamsh. positive lang. 😊 saka iwas ka po sa stress at pagod. sleep enough and eat right din po para lumusog si baby ❤️