paano malaman na buntis ka without using pregnancy test
naomieeeeeeee
kung hindi mo bet mag PT at hindi mo rin bet magpacheck up sa obgyne.. eh di intayin mo after 5 months kung naramdaman mong may gumagalaw sa tyan mo tapos palaki ng palaki tyan mo at after 9 months may lumabas na baby baka dun makoconfirm mong nagbuntis ka nga. . nakakaloka ang tanong mo memsh. wala naman ibang paraan para malaman kung buntis kundi ang mag PT at magpacheck up sa obgyne. kahit kumunsulta ka pa kay madam auring hindi nya mahuhulaan kung ano laman ng matres mo kung may baby dyan o hangin lang ang laman.. dito sa community guidelines be kind and respectful daw pero sana sa mga nagpopost din magtanong naman po ng may sense yung tipong hindi kayo sasagutin din ng pabalang ng ibang mamshies dito.. malalaki na tayo dito naituro naman sa atin yan kung pano nabubuo ang baby at kung ano dapat gawin para malaman kung buntis o hindi..yung tanong mo kasi di ko alam kung nantitrip lang, memaipost lang or nagpapansin lang.. common sense na kasi yun.. kung may kakaiba sa katawan eh di pacheck up at magPT.. kaya tuloy sagot ng iba intayin mo after 9 months kung may baby na lumabas eh di sure na buntis ka nga.. bago sana magpost pag isipan din para naman makakuha ka din ng sagot na matino
Magbasa pamag pt ka nlang ni para di ka antay ng antay ng signs o ano.. sampung piso lang may pt ka na mbbli sa mga drugstore o pharmacy di ka naman ijujudge ng tindera ng drugstore e. Kesa isip ka ng isip mg aassume ka lang or worst ma stress ka lang
no definite sign.. yung iba dahil missed yung mens, lumalaki ang tiyan, naglilihi kaya expected na buntis sila..pero pag nagpacheckup wala pala baby & may problema pala sa matress...best na magPT ka, kung in doubt pa din, pacheckup
missed period. pabalik balik sa Cr mayat Maya ihi, soreness of breast, makirot ng bahagya ung right side ng puson. pero 3 days delayed nag pt na ko. faint line means positive since regular nmn Ang menstruation ko.
no choice ka po kundi mag antay untill 9months pag may baby lumabas buntis ka po.😅ayaw mo nga mag PT mag ultrasound pa kaya...siguro nman po Yung sinasabi ko make sense..,
Ako naman po,naging matakaw ako tas gusto ko ng ganito ganyan laging gutom naiwan 😬..tas nagkalaman ng bongga..hindi kopa naiisip yung delay na pala ako 1month.
may affordable naman na pt, bakit mo titiisin sarili mo manghula kung buntis ka o hindi, pwede ka naman bumili ng pt para malaman mo talaga.
Antay nalang ng 9mons. Pag malaki na confirm buntis.
Mahirap manghula.. Bukod sa una e ma missed period ka confirmatory din ang PT talaga bago ka magpacheckup sa OB
may gusto kang kainin or natatakam ka then pag hindi mo nakain eh magsusuka ka.